Chapter 35

350 12 1
                                    

Chapter 35

"Good morning," mabining bungad sa akin ng isang boses ngayong umaga.

Kinusot ko muna ang mga mata ko bago dumilat. Nakita kong nakatayo sa paanan ng kama si Haley kaya't agad akong napabangon.

Napahawak pa ako sa ulo dahil para iyong naalog sa biglaang galaw na ginawa.

"Sorry for waking you up this early," aniya. "It's just 6:30 but Lily's about to go to school and I have to go to my shop. I thought you might want to have breakfast with us."

Mabilis akong umayos at tumayo nang marinig iyon. Dito pala ako natulog kagabi. What we talked about last night was heavy. It was too heavy that we drank till midnight.

I looked at her and bit my lip. "I'll... I'll wash first," nautal pa ako nang sabihin iyon.

"Ah..." Nilibot niya ang paningin sa bakanteng kwarto. "Ahmmm... Walang CR dito."

Sinenyas niya ang labas, sinasabing andoon ang CR. Lumabas siya at sumunod na ako para pumunta sa CR.

Tinapik-tapik ko pa ang magkabilang pisngi nang matapat sa salamin. Dahil ba 'to sa hangover kaya't parang pinkish ang mga ito?

Nag-himalos na ako at nag-mouth wash.

"Good morning, Ate Bea!" Masiglang bati ni Lily nang makapasok ako sa dining. 4-seater dining set ang naroon kaya umupo ako sa natitirang bakante.

"Good morning," bati ko pabalik habang pasimpleng minamasahe ang sintido.

"Ah. I made you this," idinasog sa'kin ni Haley ang baso ng lemon water.

My lips automatically stretched for a smile. "Thank you. How about you?" Tanong ko dahil parang hindi man lang siya nakaramdam ng hangover.

Iniangat niya ang baso ng lemon water niya para ipakita sa'kin. Oh. She also smiled.

"Ang daming langgam, Lily, no?" Banggit ni Geline.

"Huh? Where po? I can't see it," Lily pouted.

Geline chuckled. "Ayan oh, ang sweet kasi. Shene ell."

"Is it because they're tiny, that's why I can't see them?" Inosenteng tanong ni Lily.

Tinignan namin ni Haley si Geline. Agad naman niyang itinuro ang cupcakes sa lamesa pero kita sa mga mata niya ang pang-aasar.

My smile grew wider. Umiling ako at sumimsim nalang sa baso para maitago iyon.

"Hatid ko na kayo," alok ko nang matapos kami ng breakfast.

"Ah. I can drive--"

"I insist," putol ko sa sasabihin niya. Napipilitan siyang tumango.

Inuna muna namin ihatid si Lily. Sabay pa kaming bumaba ni Haley para magpaalam.

"Geline, just take a cab later, hanggang hapon ako sa shop," bilin ni Haley.

"No need. Susunduin ko kayo," sabi ko. Nilingon naman ako ni Haley. Nginitian ko lang siya.

Lily giggled. "Bye, Mommy," kiniss niya sa pisngi si Haley. "Bye, Ate Bea," yumuko ako dahil binigyan niya din ako ng halik sa pisngi. "Take care po."

Hinintay muna namin silang makapasok ng gate bago kami bumalik sa sasakyan.

"Thank you," aniya. "But really, you don't need to fetch them. Baka maabala ka pa."

Saglit ko siyang nilingon kaya't nagkatinginan kami.

"I'm serious when I told you last night that you won't be alone anymore. I'll be with you all the way."

She's caught off guard by what I said. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ibinalik ang tingin sa daan.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon