Chapter 15
Ilang sandali pa akong nanatili sa clinic saka nagpaalam na sa nurse na naroon. Tuluyan ng humupa ang sama ng loob na nararamdaman.
Hindi man totoong masakit ang tiyan ko ngunit may masakit pa rin sa bahagi ng puso ko.
Something strange is enveloping my heart and I'm scared of what it is.
Nang makabalik sa closed gym ay nasa kalagitnaan na sila ng practice.
"Kanina ka pa hinahanap," bungad sa akin ni Leah.
Tumango lang ako, seryosong pinagmamasdan ang kandidatang kasalukuyang rumarampa.
"Ano ba iyang lakad mo! Bukas na ito, Miss! Masakit pa ba ang tiyan mo?" Sita sa akin nung bakla ng ako na ang rumarampa.
Ngumiwi lang ako sa kaniya at tumatango sa mga nagtatanong kung okay lang daw ba ako.
I lied. Well, if it isn't obvious, I'm not!
Nang ibang kandidata naman ang pinagtuunan nila ng pansin ay bumaba muna ako ng stage.
"Okay ka lang ba?" tanong sa akin n'ong ka-partner ko.
Tumango lang din ako saka nilapitan na ang gamit ko sa may gilid.
I don't think I can do my walk properly while my mind is full of bothered thoughts. Pero ng maalala ang mukha ng babaeng lampa habang nagtuturo ng rampa ay muli akong huminga ng malalim.
Get your shit together, Bea! This isn't the time to lose your fucking mind. There are people rooting for you and exerted effort in helping you.
Malumanay akong pumikit. Kaya ko 'to. I prioritize my girlfriend over anything but this competition just requires my focus so all I need to do is cooperate.
Bago bumalik ng stage ay binasa ko na muna ang text ni Haley at Cy.
Cyril:
Naihatid ko na. TF ko ha?
Haley:
I'm home. Keep safe, I love you :*
I typed "okay" and send it the both of them.
I'll focus on this one first, then I'll deal with Haley later.
"Basta huwag niyong kakalimutan ang rotation ng rampa niyo lalo na ang production number! Ayaw kong hindi kayo sabay sabay bukas, ha! Anyway, galingan niyo bukas, good luck to everyone!" sabi nung bakla bago kami pinaalis.
Habang nagmamaneho ay nakatanggap pa ako ng tawag kay Mommy. Masaya si Mommy noong sinabi kong sasali ako ng pageant, sayang lang at hindi sila makakanood ni Daddy.
"Don't be nervous. You'll definitely do good in the Q and A, answer it precisely," huling mga paalala ni Mommy bago ibaba ang tawag.
Sinulyapan ko muna ang pambisig na relo bago lumabas ng sasakyan, alas siyete y media na ng gabi. Nang makapasok ng apartment ay naabutan ko si Haley na nanonood ng TV. Agad nitong nilipat ang tingin sa akin.
"Kumain ka na?"
Umiling ako.
"Ako din. Maligo ka na muna habang inaayos ko ang lamesa."
Tumango lang ako at pumasok na ng bathroom. I hope the cold shower will effectively calm my thoughts.
"How's your practice?" tanong ni Haley ng makaupo na ako sa hapag.
I shrugged, "It was fine."
Hindi ko siya tinitignan.
Nang nahimigan ang kalamigan, inabala na lang ni Haley ang sarili sa pagkain. Tahimik lang kaming dalawa, pinapakiramdaman ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
If Only (Rainbow Series #1)
RomanceRainbow Series #1 This story is all about acceptance. Accepting that there are things we can't control... one of that is falling in love with the same gender :) --- For two people, the world keeps tearing apart. Is the love they have enough to fight...