Chapter 11
Kakatapos ko lang maligo ng kumatok sa pinto si Yaya Sally.
"Anak, and'yan sa baba ang Mommy at Daddy mo, hinahanap ka." Bungad agad ni Yaya ng buksan ko ang pinto.
Nakakapagtaka na maaga pa lang ay nasa bahay na sila mommy, it's very unusual. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at sumunod na kay Yaya Sally pababa.
"'Ya, bakit kaya ang aga nila umuwi?" tanong ko ng maabutan ko si Yaya sa paglakad.
"Hindi ko rin alam anak. Hala, sige at bilisan mo na, iniintay ka nila sa office." Aniya at pumasok na sa kusina, ako naman ay dumiretso na sa office nila dito sa bahay.
Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ay naabutan ko sila mommy na mukhang seryoso ang pinaguusapan, nilingon niya ako agad at iminuwestra na maupo sa harapan nila ni Daddy.
"Hi Mom... Dad" Lumapit muna ako at humalik sa pisngi nila bago umupo.
Tumingin ako kaagad kay Daddy, tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
Hindi ko maiwasang kabahan ng ilang minuto na ang lumipas ay tahimik pa rin sila.
"Is there something wrong?" Lakas loob kong tanong.
Nagkatinginan muna sila. Nagpakawala ng malalim na hininga si Mommy kaya lalo akong kinabahan.
"Bea, before we went home we had a meeting at the office." Panimula ni Mommy.
Kumunot naman ang noo ko.
"Yes Mom, you always have meetings. What's unusual is you're here this early."
Nakangiti pa ako ngunit unti unti iyong nawala ng marinig ko ang sunod na sinabi ni Mommy.
"Since you're only left with at least 3 months or less before your finals end. We'll give you that time to arrange your things and talk to your friends."
Mas lalong kumunot ang noo ko. I didn't exactly understood what my mother said. Maybe I heard it wrong, they wouldn't do this to me...
"What... Why... Dad?" Hindi ko maayos ang tanong ko kaya't tumingin na lang ako kay Dad, nagbabakasakaling maintindihan niya ako.
Well, I've always been a Daddy's girl kaya alam kong maiintindihan niya ako. Ngunit ganoon na lang ang takot ko ng umiling lang sa akin si Daddy.
"It's been decided Bea. Your papers' taken care of. We'll move to the States and live with your Grandparents." May pinalidad na sabi ni Daddy bago siya tumayo at lumabas ng office.
The horror in my face was very evident.
Si Haley agad pumasok sa isip ko kaya't tumayo ako at lumapit kay Mommy. Maybe, I didn't get it right... Maybe they mean something else, like a vacation?
"Mom, what are you talking about? It's just a vacation right? Well, we can go for a week, I also miss Lolo and Lola." Sabi ko at nagmamakaawang tumingin kay Mommy.
"Anak..." Umiling si Mommy at niyakap ako.
I never thought that this day would come. Maybe few years back, if they asked me to go and live abroad I would gladly do so but now? Why now?
Do I have to choose between Haley and my family?
"Mom, I can't." It came out a whisper.
Kakasimula pa lang namin ni Haley, bakit ganito? Yumakap din ako kay Mommy ng magsimulang tumulo yung luha ko.
"How about the company?" I asked between my sobs, still finding a reason to stay.
"Your Tito Edgardo will handle it from then. Also, your Grandparents are not getting any younger, they need us to take good care of them especially now that your Lola is not in good shape. Your Dad and I decided to go there since they are also asking for you. Maybe your Dad will be back here after months to help your Tito." Paliwanag ni Mommy habang pinapatahan ako.
BINABASA MO ANG
If Only (Rainbow Series #1)
Storie d'amoreRainbow Series #1 This story is all about acceptance. Accepting that there are things we can't control... one of that is falling in love with the same gender :) --- For two people, the world keeps tearing apart. Is the love they have enough to fight...