Chapter 6

583 25 2
                                    

P.E. na namin. Classmate ko si Haley sa subject na'to. Kahit P.E. lang to papasukan ko'to para kay Hal, baka sakali magka-ayos na kami.

Kasalanan ko rin naman. I've been away for three days without informing them and when I came back? My best friend's crying. Kaya ako na dapat ang magbaba ng pride.

Pride? Wala yan, ibababa mo yan. Kahit gaano pa kataas ang pride mo, kahit hirap kang mag-adjust. Magugulat ka nalang na kaya mo palang gawin yan para sa isang tao, mahal mo eh.

After ko kanina ihatid sa clinic si... yung babaeng lampa. Pumasok nako sa 1:30 na klase ko. At ngayon kakalabas ko lang, my next class is P.E. kakatapos lang namin ng Volleyball activity last week. Dahil wala si Sir Razon, kaya ngayon lang kami nagkaroon ng P.E. ulit.

I can play volleyball. Kaya kami nagkakilala ni Chad dahil minsan sabay kaming nagte-training. He's the captain of the basketball team. Ako naman former captain ball ng volleyball team. I quitted for almost a year now. Mas naging focus ako sa studies.

Tumingin ako sa orasan, medyo napaaga yung labas namin sa lab.

Kahit 10 mins pa bago magsimula yung next subject ko. Pumunta nako sa klase, tingin ko naman sa room muna kami. Lecture time again. Haaay.

Pagkapasok ko nakita ko na agad si Haley na nakaupo sa sulok, not her usual seat. Lagi kasi siyang nasa harapan o gawing gitna katabi ko. Now? Andon siya sa dulo sa may gilid. Kahit nakatulala lang siya sa may bintana ang ganda niya pa din haaay.

Hindi pa puno ang silid, marami pang wala at mukhang late si Sir Razon. Kaya makakapag-usap kami ni Hal kahit sandali lang. Nilapitan ko na agad siya at umupo sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.

"Haley, let's talk."

Hindi ako nakuntento na nakaupo lang sa tabi niya kaya lumuhod ako at hinawakan ko siya sa kamay.

"Hey, kausapin mo naman ako. Kung ano man nagawa ko, I'm sorry. Please..."

Diniinan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya baka sakaling makuha nito yung atensiyon niya pero hindi, ipinagdadamot sa'kin ni Haley kahit pag-gawad ng tingin.

Inalis niya yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at lumayo ng konti. Nakatanaw nalang siya sa labas ng bintana.

"Go away. Leave me alone." Ani Haley ng walang lakas.

Sht! Ano ba talagang problema?

"Okay. If that's what you want. Fine..." Bibigyan muna kita ng oras.

Tumayo na ako at umupo sa upuan na two sit apart ang pagitan sa kanya.

Ilang sandali pa unti unti ng nagpapasukan ang mga kaklase ko sa P.E. Nagulat nalang ako na ka-room ko pala si... yung babaeng lampa. Sumandal ako sa upuan para magtago sa likod ng tao sa harapan ko pero mukhang maling galaw, nakita na niya ako. Tumatakbong pumunta siya sa may upuan sa tabi ko.

"Cari!"

"Cari oy!" Sabi niya sabay kalabit sa'kin. Ako ba tawag niya?

"Cari?" Turo ko pa sa sarili ko. Nagulat lang ako, first time may tumawag sa'kin ng ganon.

"Oo naman. Cari nalang tawag ko sayo. Pwede ba?"

"Nagtanong ka pa, paano kung ayoko?"

"I'll still call you Cari! Nice to meet you again. Nika na lang itawag mo sa'kin!" She said as she held out her hand for another handshake.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon