Chapter 13

463 14 0
                                    

Chapter 13

Last night was one of my favorite nights in my whole life. It was just an ordinary night but with Haley, it became special. We didn't do anything but cuddle and talk. It was my first time to feel that my life is perfect, that I'm contented.

Her presence is my great solace.

Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa kaisipang hindi ko na kailangan gumising kinabukasan para pumuslit pauwi. Hindi ko na rin kailangan tumakas sa gabi para lang makasama ang babaeng mahal ko.

Nanatili lang akong nakapikit kahit gising na gising na ang diwa.

May sumilay na ngiti sa labi ng maramdaman kong niyakap ako ni Haley.

It feels good to wake up every morning with your loved one.

"Good morning, Mahal." Bulong ko sabay ganti ng mas mahigpit na yakap.

Agad akong nagmulat ng mapansin ko'ng basa ang kaniyang buhok. I even smelled her strawberry scent shower gel.

Lalo ko siyang pinanggigilan ng matantong nakagayak na siya, "Ang bango naman hmmmm..."

Tumatawa naman itong lumayo, "Good morning. Bumangon ka na. The breakfast is ready. 8:00 start ng klase ko."

Umalis siya ng kama at sinimulang patuyuin ang buhok gamit ang blower. Nanatili lang akong nakahiga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa.

She's wearing their uniform. White long sleeves with vest and scarf partnered with one inch above the knee black skirt and black stockings.

Nang matapos ay nilingon niya ako, "'Di ba 10:00 pa klase mo?"

Tumango lang ako.

Tinignan ko ang oras sa phone ko. Alas siyete na pala. Bumangon na ako saka binasa ang mga messages, isa na doon ang text ng class president namin.

Pres:

Bea, Ma'am Amelia asked me to tell you that you should go to the faculty office early today for an announcement.

Nireplyan ko lang 'yon ng "okay" at nilapitan na si Haley na naglalagay ng kaonting make up.

"Maliligo na ako. Sabay na tayo, I need to talk to one of my professors," Sabi ko saka kinintalan siya ng munting halik sa noo.

Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng CR, wala na si Haley sa kwarto kaya nagmadali na akong mag-ayos saka lumabas.

Katulad ni Haley, nakasuot din ako ng uniform. Unlike her uniform, mine is simpler. A fitted collared blouse with our Univerity's logo and an inch above the knee black skirt.

Naabutan ko si Haley na nagsasalin ng juice sa mga baso.

Dahan dahan ko siyang nilapitan habang nakatalikod siya sa akin.

"I love you talaga," bulong ko saka siya niyakap.

"I love you rin talaga," aniyang natatawa.

"Why do you have to be so beautiful, Mahal?"

'Di ko tuloy napigilan at hinalikan ko siya ng nanggigigil sa pisngi.

"Bolera!"

Hinawakan niya ang isa kong kamay at isinalikop iyon sa kaniya kaya't mas lalo ko'ng hinigpitan ang yakap. I buried my face on her neck as I silently thanked Him for blessing me mornings like this.

After naming kumain, ako na ang nag-drive papuntang school. May sariling kotse rin si Haley kaya lang ay hindi pa siya marunong magdrive. Maybe one of this days, I'll teach her how.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon