Chapter 31

254 13 3
                                    

Chapter 31

Chad looked so stressed out when I got home. Nagulat pa ako dahil mas nauna siya sa aking makauwi.

"You okay, babe?" tanong ko nang makalapit sa kaniya na kasalukuyang nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard.

Tumango siya at inabot ako para mapaupo sa tabi niya. Pagkatapos ay binalot ako ng yakap patagilid.

"Ikaw, babe, kamusta ka?" tanong niya.

Hindi ko siya matignan kaya't napayuko nalang ako at pinaglaruan nalang ang mga kamay na nakapatong sa hita ko. What Haley and I talked about crossed my mind.

I sighed heavily. As if what we talked about left my mind even for a minute, it didn't.

"Gusto mong mag-kwento? I'll listen," malambing niyang aniya. "Always," pabulong niyang dagdag at ginawaran ako ng halik sa sentido ko.

Sasabihin ko na ba lahat?

Gumalaw ako nang bahagya para malingon ko siya kaya't lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng mukha niya. Chad looked so worn out. I knew that he has his own problems at work that he needs to deal with, the reason why his leave of absence got revoked. Dadagdag pa ba ako?

I bit my lower lip and shook my head. "I'm fine, babe. My days are just the usual. I'm always hanging around with Cy and Iris."

He nodded and smiled but it didn't reach his eyes.

One day. Just one day. Papalipasin ko muna ang isang araw bago ko sabihin sa kaniya lahat. I don't want to add up to his source of stress.

I'll tell him the day of the family day. But I'll probably tell him at night because my day already belonged to Lily since I promised I'll be with them. Kahit na hindi ako family.

Right, that will be my plan.

Kinabukasan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Chad. Tumayo na ako at nag-unat saka nagpasiyang maligo na. Pipihitin ko na sana ang pinto ng CR kaso ay nandoon pala siya.

"Pwede ba, Charlie? Just do your job, or I'll fire you for real," dinig kong sabi niya sa kausap. Bakas na bakas ang paglalaban ng inis at pagmamakaawa sa boses niya.

"I don't remember any fucking thing you're saying," hindi ko malinaw na narinig ang sunod na sinabi niya dahil lumayo na ako at pumasok nalang sa closet.

My forehead knotted. Chad sounded so pissed early in the morning. He must really had a lot of problems at work since he's talking to his team member. I remember that was what he said when I asked who was this Charlie guy.

Sabi ni Chad ay hindi daw siya pupunta ng hotel ngayon. Gusto daw niyang magpahinga dito sa bahay kaya't napagpasyahan kong manatili nalang din dito. I should spend this day with Chad because he needed my company and that, at least, I should do for my boyfriend. Ngunit nasa kalagitnaan na kami ng panonood sa Netflix nang tumawag si Ate Geline.

"Ma'am Bea!" Malakas na bungad niya kaya nailayo ko sa tainga ang phone ko.

Nilingon ako ni Chad habang kumakain ng french fries. I motioned "wait" and left the room since the television was on full volume.

"Hey!" Bati ko habang pababa sa kusina para kumuha pa ng finger foods na pinrepare ni Yaya. "Bakit ka napatawag, Ate Geline?" Tanong ko.

"Wait lang, Ma'am Bea. Lily!" Malakas niyang tinawag si Lily sa kabilang linya.

Habang naghihintay ay nilingon ko si Yaya Sally na kasalukuyang hinahango ang huling batch ng cheese balls. "Okay na 'yan, 'Ya," sabi ko sa kaniya.

"O siya, anak, tawagin mo nalang ako kapag kinulang," aniya.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon