Chapter 32

242 13 4
                                    

Chapter 32

Maaga akong nagising. Tingin ko ay tulog pa si Chad kaya hindi ko na siya kinatok nung umalis ako.

Pinag-iisipan ko pa kung tutuloy na ba ako sa school o dadaan pa ako kila Lily. Sa huli ay dumaan na din ako. Bumili muna ako ng coffee para sa amin, hot choco naman para kay Lily, at pancakes.

Pagdating ko ay pinagbuksan na ako ni Ate Geline.

"Sakto, Ma'am Bea! 'Di na ako magluluto, oks na yarn," aniya at kinuha ang mga dala ko.

Habang si Haley naman ay tinutulungan na daw mag-prepare si Lily.

Naka-ready na ang pagkain nang lumabas sila Lily mula sa kwarto. Nakasuot sila ng kulay pink na shirt na may print na 'Together we make a family' sa harap, sa likod naman ay may 'Team Imperial'. Lumapit sa akin si Lily at may iniabot na kaparehas na shirt.

Nag-init ang mukha ko. I'll also wear that?

"Ate Bea, here's your shirt po," aniya habang malaki ang ngiti.

Haley faked a cough. "I remember you were small in size," singit niya. "So I ordered the same size."

Tumango lang ako. Gusto ko sana itanong kung bakit ganoon ang nakasulat kaso ay huwag nalang, baka pagsimulan na naman iyon ng away. I just sighed and excused myself to change into that shirt.

Tahimik akong bumalik para umupo sa harap nila. Malaki ulit ang ngisi ni Ate Geline. 'Di ko alam kung saan niya nakuha ang idea na may something sa amin ni Haley, 'di naman siya ganiyan noong una una.

Tahimik lang din si Haley habang ang anak niya naman ay, as usual, masigla at madaldal. Inabot ko ang coffee na para sa akin nang mahuli kong nakatingin si Haley sa suot ko. Ano? Ngayon mo lang na-realize yung nakasulat?

Haley seems like she's lost in her thoughts while still looking at my shirt. Tumikhim ako. Natauhan siya at nagkatinginan kami. Agad din akong nagbawi ng tingin dahil parang may nabuhay na kung ano sa tiyan ko. 

"Hindi ba tayo magpa-practice muna bago pumunta sa school?" Tanong ko nang matapos ang pagkain ng umagahan.

Kasama ni Lily si Ate sa sala para i-braid na ang buhok niya. Ako ang susunod dahil ganoon din dapat ang ayos namin ni Haley.

Umiling siya. "We don't have much time," simpleng sagot niya at tuloy sa pag-ligpit ng pinagkainan.

I just shrugged and went to the sala. Nagkukulitan doon sila Lily nang mag-beep ang phone ko. Nag-text si Chad. Tinatanong niya kung nasaan daw ako. Sasabihin ko na sanang nakila Haley ako nang mapahinto. Ayaw kong madagdagan ang inis ni Chad kaya sinabi kong nasa preschool na ako. It's not a lie dahil paalis na din naman kami.

Nang matapos kaming i-braid ni Haley ay sumakay na kami sa sasakyan ko. Ako ang nasa driver's seat habang si Haley ay walang nagawang sumakay sa tabi ko dahil nauna na ang dalawa sa passenger seat.

"Magkahawig pala kayo Madam ni Ma'am Bea, 'di ba Lilypot?"

"Yes! Yes!" Lily seconded while giggling.

Tinaasan ko siya ng kilay sa rear view mirror. Nginisihan niya lang ako. Ano bang nakain niya?

"Really?" Nagtatakang tanong ni Haley.

I sighed. Hindi ba niya nararamdaman yung pang-aalaska ni Ate Geline?

"Opo. Sabi nila ay ang magkakahawig daw ang madalas nagkakatuluyan," dugtong niya at mas lalong lumaki ang ngisi. Sarap punitin.

I just gritted my teeth to stop myself from reacting. Hindi ko na din nilingon kung ano ang maaaring reaksiyon ni Haley doon.

"Geline!" She warned.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon