Chapter 21

364 16 2
                                    

Chapter 21

Pareho silang nakatingin na sa akin ngayon. Ang kaibahan lang, si Haley ay may takot na ekspresyon. While Luis was not even bothered.

Nakatayo lang ako doon habang pinagmamasdan sila. Sakit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngunit sa pagkakataong 'to, pagkamuhi ang mas nangingibabaw. Pagkamuhi para sa babaeng mahal na mahal ko.

Masyado ang pagpipigil ko sa sariling sumigaw at magtanong kung kailan pa nila ako ginaganito. Laking pasalamat ko na lang din na ubos na ang luha ko dahil hindi ko lalo mapapatawad ang sarili ko kung mas magmumukha pa akong kaawa-awa sa harap nila.. or so I thought.

"Luis, iwan mo muna kami," putol ni Haley sa katahimikan.

Kita ko ang bahagyang pagpulupot ng braso ni Luis sa baywang niya. Lumapit pa ito ng bahagya sa kaniya.

"Mahal, hindi ka pwedeng ma-stress," may kalakasang bulong nito saka lumingon sa akin. "Bea, please, huwag ngayon," aniya sa matigas na anyo.

I could almost feel my brows palpitating. Sa kabila niyon, nanatili lang akong tuod sa harap nila. Pinapanatili ang matapang na anyo.

"Iwan mo muna kami," ulit ni Haley saka lumayo kay Luis.

"Mahal," Luis called.

Mahal? Hearing him called her that made me lose my facade.

"Kailan mo pa 'ko niloloko?" nanghihina kong tanong kay Haley, nagsisimula na ring sumungaw ang mga luhang akala ko ay ubos na.

Kahit ano palang gawin kong pigil, lalabas at lalabas pa din ang katotohanang nasasaktan ako. At ang katotohanang ako ang kawawa sa aming tatlo.

Luis turned to me with so much mockery in his face. "Oh please. Spare us the drama. Bawal kay Haley ang ma-stress."

Hindi ko siya pinansin, nanatili lang akong nakatingin kay Haley na ngayon ay sinasalamin ang kaparehong reaksiyon ko. Why are you crying? Are you sad for me? For us?

Napaatras ako ng bahagya ng itulak muli ni Haley si Luis nang binalak nitong lumapit para daluhan siya.

"Please, Luis, umalis ka na," puno ng pagsusumamong aniya.

"Pero.." Luis looked troubled pero ng tignan siya ni Haley, wala itong nagawa kundi umalis. "Fine!"

"Hindi pa tayo tapos, Bea," he threatened before he left.

Knowing that we're now alone, I totally let go of my facade. Tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko at nang hindi na makayanan ay sumandal na lang ako sa katabing pader at saka sinapo ang sariling mukha. May nagawa ba akong mali para tratuhin ako ng ganito?! Nagmahal lang naman ako, ah?!

"I'm sorry.." Haley cried. "Please, mag-usap tayo."

With my shoulder shaking miserably, I looked at her. "Isn't that too late? You've given me so much damage. No explanation could save me from this wreck."

"I'm sorry, hindi ko naman sinasadya," nagmamakaawang aniya.

"Hindi mo sinasadya?" pilit kong tinahan ang sarili. "Hindi mo sinasadyang mabuntis?!" sabi ko sa malakas na boses.

Shock and fear were very evident in her face. "Alam mo na?"

"Kailan pa?" tanong ko pabalik saka tumayo ng maayos.

Hindi siya nakasagot.

"Kailan pa?!" Kita ko ang bahagya niyang pagtalon ng sumigaw ako.

"5 weeks," mahina niyang sabi habang nakayuko.

"Bullshit!" All I could say as I punched the wall. Hindi ako natinag hanggat hindi ko nararamdaman ang sakit sa kamao ko. Simula pa lang niloloko na ako?! Tangina!

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon