Chapter 37

265 10 2
                                    

Chapter 37

"Madam," si Geline naman ang kumatok.

Humiwalay na sa'kin si Haley at nahihiyang nag-iwas ng tingin.

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. My Haley is shy.

"Mommy..." Muling tawag ni Lily.

"Ah! T-Tawag na 'ko ng anak ko," bahagyang nauutal pang aniya.

I tucked the strand of hair that's covering her face in her ear. "Anak natin," pagtatama ko.

She bit her lower lip and nodded, agreeing to what I just said. Tumango din ako at binuksan na namin ang pinto.

"Why are you crying?"

Dahil sa binanggit ni Haley ay bumaba ang tingin ko kay Lily na masagana ang pagtulo ng luha. Umupo ako para lumebel sa kaniya at mapunasan ang basang mukha niya.

"What happened, baby girl?" Tanong ko din. She just answered me with sobs.

"Ah... M-Madam. Kasi ano..." Geline trailed off. "Kasi may lalaki sa labas..." Huminto siya at nagbaba ng tingin sa'kin. Kumunot ang noo ko. "Nagpakilala siyang daddy ni Lily. Nagdidilig kasi kami sa garden, narinig ni Lily."

Napatayo ako sa gulat. Nagkatinginan kami ni Haley. We were both shocked. Tuluyan nang napukaw ng muhi ang alab mula sa pinagsaluhang halik kanina. 

The asshole is here. Damn him!

Kita ko ang pag-rehistro ng takot sa mukha ni Haley.

"I'll talk to that ass-- that guy," sabi ko sa kaniya at nilingon si Lily. "Dito lang kayo."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at lumabas na ako. Padabog kong binuksan ang gate. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa paligid gaya ng nararamdaman ko. I was trying to be rational but my anger for him was too much.

I gritted my teeth when I saw Luis leaning on his car. Kita ko ang pag-awang ng bibig niya nang makita ako.

"Bea?" Paniniguro niya.

Diretso at sigurado ang lakad ko papunta sa kaniya. Agaran ang pagpula ng mukha niya matapos ko siyang bigyan ng isang malakas na sampal. Mula sa pagkakabaling ay nilingon niya ako.

"What..." Gulat niyang bigkas.

"That's for Haley. And this..." I slapped him again. "Is for fooling me five years ago."

Hinawakan niya ang panga at hinimas iyon. Nilingon niya ako muli at tumango. "I admit I deserve that."

Ngumisi ako. "You deserve worse than that," I fisted my hands that were badly wanting to punch him in the face. "Ang kapal ng mukha mong pumunta dito," sabi ko sa buong boses, bakas na bakas ang nagpupuyos na galit.

He let out a heavy sigh. "I want to see my daughter," mahinang aniya.

Mapakla akong natawa. "Daughter," I echoed. "You know what? I, once, agreed that Lily should, at least, meet you, because she's asking for her father. I argued with Haley for your right as Lily's father despite knowing that you were a drug addict, that you haven't, even once, been a father to her," I told him.

"I'm a changed man now..."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nanggilid ang luha sa mata ko. "But after knowing what you've done to Haley? Damn you," nanginig din ang boses ko sa sinabi.

Nagbaba siya ng tingin at ilang ulit huminga ng malalim.

"That's why I'm here. Gusto kong bumawi..."

"No. They don't need you."

Nag-angat siya ng mukha at tinignan ako. Tears pooled his eyes as well.

"Can I see them, at least?"

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon