Chapter 22

371 17 0
                                    

Warning: Language

Chapter 22

"Babe, wala ka ng nakalimutan? I.D.? Passport?" tanong ni Chad ng maikarga na sa likod ng taxi ang mga bagahe namin.

May ilang oras pa kami bago ang flight pauwi ng Pilipinas. Konti lang din ang dala naming gamit, good for a week or so, since naka-leave lang kami sa trabaho.

"Wala na, babe," sagot ko bago binalingan si Mommy na nakaabang sa aming gate. "Mom, alis na kami," paalam ko ulit.

"Mag-iingat kayo doon, Chad, ah? And please pakilayo si Bea sa mga.." tumigil siya at huminga ng malalim. "Sige na baka ma-late pa kayo."

"Yes, tita. Mag-iingat din po kayo dito,"  si Chad at lumapit kay Mommy para humalik sa pisngi nito saka nauna ng pumasok sa sasakyan.

My mom eyed me. I know that look so I nodded.

"Alam ko, 'My. Hindi na mauulit 'yon," sabi ko agad.

My mom, at first, hesitated to let me go back to the Philippines. She's a bit scared I might go delusional again. That's her term.

"Dapat lang, hija, that should be a one time mistake," she said in grimaced. Nalipat ang pansin namin ng lumapit sa amin si Lola kasama ang isang umaalalay sa kaniya.

"'La, hindi na dapat kayo lumabas," sabi ko agad at iminuwestra sa kasambahay na ako na ang aalalay. May katandaan na din si Lola kaya hirap na siyang lumakad. Muling lumabas ng sasakyan si Chad para magmano kay Lola.

Lola just patted Chad's head and faced me. "Mag-iingat kayo doon, Apo. Ikamusta mo na lang ako sa mga kaibigan mo at kay Sally," aniya.

Masaya akong tumango. "Opo, Lola. Sige na magpahinga ka na sa loob at aalis na din po kami." sabi ko na sinunod naman niya.

Pinagbuksan ako ni Chad ng pinto, I motioned him to go in first because I don't think mom is done with her litanies.

Bago ako pumasok ng sasakyan ay muli nga akong pinagsabihan ni Mommy.

"I don't want any monkey business, Beatriz. Ayaw kong may mababalitaan akong..."

Kimi akong ngumiti at tumango.

Obviously, my mom hates that part of my life, I, too loathes it because of the pain I caused the girl I loved once. But If I am given another chance to restart everything, I'd rather not. Despite of the heartaches, I am glad I met her.

Hindi alam ni Mommy ang totoong nangyari sa pagitan namin ni Haley kaya ganoon na lang ang pananaw niya.

"Babe, are you okay?" untag ni Chad ng ilang minuto na ang byahe ay wala pa din akong kibo.

Mula sa bintana ay nilipat ko ang tingin sa kaniya.

"I'm fine.. it's just that.. I'm a bit scared and nervous."

Hinila niya ako kaya napasandal ako sa matigas niyang dibdib. And when I say Chad is a former captain of our basketball team, it is very evident on his built kahit na naka-hoodie siya ngayon. Pareho kami ng suot na kulay gray na hoodies.

"Don't be. I'm here.. I'm always here," aniya habang sinusuklay ang mahaba ko ng buhok gamit ang kaniyang kamay. I hugged his waist and lean on him comfortably.

"It's been 5 years. Ang tagal ko ring natakot bumalik ng Pinas," sabi ko at bahagyang pumikit.

I was scared.. no, I am still scared.. scared of Haley's resentment.

"It's okay to be scared. At least, you have your courage now. She would understand, you both needed time to heal.. you both needed the saving," sagot niya bago ako gawaran ng malamyos na halik sa ulo.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon