Chapter 9

602 19 2
                                    

Chapter 9

SPG

It's already 2:30 am in the morning when we arrived at Haley's. Isang oras din ang itinagal namin sa parking ng club. Sa trenta minutos na biyahe na iyon pagawi dito, walang imikan sa loob ng sasakyan. Tila ba parehas naming di malunok ang mga nangyari.

I can't process it yet. Haley was almost raped by her Fuck shit of a boyfriend. And hell, I'm not even there to help her. And here I am claiming I love her when in fact she can't even count on me. Darn.

Nilingon ko siya sa front seat. Kahit na halata mong pagod na pagod, hindi niya man lang nagawang matulog sa biyahe. Nanatili siyang nakatulala sa may bintana kahit na andito na kami sa harapan ng apartment niya. Mag-isa lang siya dito, when she turned 18 she chose to live alone. Hindi pa ako nakakapunta dito, ngayon palang. Katamtaman lang ang laki ng apartment ni Haley. Nakahilera ang mga kabahayan na kasing sukat at tulad nito ngunit kahit isa wala kang masisinagan na ilaw dahil lahat ay mahimbing na ang tulog.

"Dito ka na matulog, delikado na."

Napabaling ulit ako sa kaniya. Nakatingin na pala siya sa akin. Tumango nalang ako at lumabas na siya ng sasakyan. Nauuna siyang maglakad at binuksan niya ang pinto ng kaniyang apartment. Pagkapasok, agad niyang binuhay ang mga ilaw.

"Uh, dalawa ang kwarto nito kaso ginawa ko nalang storage room yung isa..." panimula niya, pero inunahan ko na siya.

"Okay lang, dito nalang ako sa sofa." sabi ko habang iniikot ang paningin.

"No. Parehas naman tayong babae so... there's nothing wrong." Aniya. "Magbibihis lang ako, ikukuha na rin kita ng damit." Dagdag pa nito at pumasok na sa isang silid na katabi ng pinto ng CR, maybe?

We're both girls, she said. Ni hindi niya man lang kinompronta kung ano ang ginawa ko kanina. Maybe she thinks I'm just drunk, but I want us to talk about it.

Umupo nalang muna ako sa may sofa, in-on ko nalang ang television at hinayaan ito sa kasalukuyang channel. Mula sa panonood, nilipat ko ang tingin kay Haley na kalalabas lang at tapos ng magpalit, she's wearing an old rose satin shorts paired with a white sleeveless fitted shirt printed with a word kiss me.

"Here. Hiramin mo na muna. Doon kana magbihis sa CR." Aniya habang inaabot ang isang kulay asul na shorts at isang fitted na kasing kulay na sando at itinuro ang gawi ng CR. I'm right, tabi lang ito ng kwarto niya.

"Usap tayo." Anito pagkatapos kong magbihis, pinasadahan muna ng tingin ang suot ko. Iginiya niya ako na maupo sa katapat niyang sofa.

Tumango nalang ako at patuloy na nanahimik, hinihintay siyang buksan ang usapan.

"About the kiss..."

Agad akong napaangat ng tingin, nanlalamig na naman ang mga kalamnan at ang takot at kaba ay muling namutawi. Sweats are forming in my forehead, I wipe it away.

"I'm sorry Haley..."

"Bea, babae tayo. I'll just think you're drunk that's why it happened."

Nanatili itong nakamata sa akin kaya tumango nalang ako, patuloy na nanghihina dahil sa kaba at takot na masaksihan ang reaksyon na mauuwi sa pandidiri mula kay Haley.

"Tell me, bakit mo ako hinalikan? It's not that you're drunk, I would not kiss a girl if I'm drunk!" Kuryosong pamimilit ulit nito matapos ang ilang sandali.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag dito. I don't even know what to say. The guilt, regret, nervousness I'm feeling is eating me up like a mad man. Hindi ko nakayanan ang intensidad na ibinibigay niya kaya't nauna akong magbawi ng tingin. Nalipat ito sa telebisyon na ngayon ay may palabas na dalawang taong naghahalikan. It's an R18 film.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon