Chapter 40

270 11 6
                                    

Warning: Language and Violence

Chapter 40

Haley's POV (Part 2)

Sa bawat araw na dumadaan ay padagdag ng padagdag ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko dahil alam kong ang bawat salitang binibitawan ko ay sumusugat sa babaeng mahal ko.

Nakadukdok ako sa armdesk ko nang makaramdam ng muling pagkahilo.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Nely nang makalapit.

Hindi ako nakasagot.

"Haley, kaya mo ba mag-klase?" Aniya ulit.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi din kasi ako nakatulog kagabi. Sino ba naman ang makakatulog ng mahimbing kung nasaktan mo ang mahal mo sa araw ng 'monthsary' niyo?

Hanggang sa nagpunta na kaming clinic.

"Okay na 'ko dito, Nely. Pumasok ka na, baka andoon na ang Prof natin."

"Alright. Call me if you need anything. Ako na bahala mag-excuse sa'yo."

I smiled and murmured a simple 'thank you'.

Samantalang kinausap lang ako ng nurse at pinaalalahanan na kailangan ko mag-doble ingat.

Hindi na naman ako naka-attend ng klase ngayong araw. At napapabuntong hininga nalang ako nang mag-alas dose na ng madaling araw at walang Bea na umuwi sa apartment.

Gusto kong magalit dahil hindi man lang niya naisip na mag-aalala ako. But then again, sino ba ako para magalit? Hamak na mas malaki ang kasalanan ko sa kaniya.

And for the nth time, I cried myself to sleep.

Kinabukasan ay tutop ko ang bibig habang tumatakbo papuntang CR ng HRM building. Shit.

Pagkatapos ay tinanaw ko ang sarili sa salamin.

"Bakit naman gusto mo lagi na sa school maghasik ng morning sickness si mommy, huh, baby?" Sabi ko habang himas himas ang wala pang umbok na tiyan.

I sighed and went out. Only to be shocked that Luis was just outside. Narinig niya ba?

He looked at me with an expression that, I was sure, was mirroring mine. We were both startled.

"Buntis... ka?" Si Luis.

"No!" Tanggi ko agad. Dumiin ang pagkakahawak ko sa knob. Umiling pa ako. "Of course not."

Agad ang pagsalubong ng mga kilay niya. "I fucking saw you, Haley. You were running here that's why I followed you."

Ramdam ko ang pangingining ng katawan ko. No, itatanggi ko 'to kahit anong mangyari. I don't need him.

Lumunok ako. "Masama bang mag-CR sa panahon ngayon?" Halos pumikit ako nang tuloy tuloy kong masabi iyon sa gitna ng pangangatal ng labi.

Umatras ako ng humakbang siya palapit.

"But I heard you."

Mas nanginig ang mga kamay ko kaya't itinago ko iyon sa likod ko. Kita ko pa ang pagsunod niya ng tingin doon. No.

Umiling ulit ako. "You're just hallucinating, Luis. I'm not p-pregnant!" May diin kong pagkakasabi. "I took a birth control pill right after that... that!"

Umatras ulit ako ng ngumisi siya. "Talaga? Sige, patunayan mo. Let's go to the hospital."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nababaliw ka na ba?! Sabi ng hindi ako buntis!" Mahina ngunit madiin kong sabi.

"Well. Like what you said, masama bang manigurado sa panahon ngayon?"

Natigil kami nang may pumasok para gumamit din ng CR.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon