Chapter 34

300 14 1
                                    

Chapter 34

"Shot puno!"

Inisang lagok ko ang alak na nasa baso ko. Nakabalik ako ng Pinas kaninang madaling araw. Natulog muna ako dahil sa jet lag at nagising nang magdidilim na. I still contacted my friends despite feeling drowsy. We then ended up drinking.

"I Just can't believe I've been cheated on for the second time around. Worst? I never expected him to ever cheat on me. Heck, he even impregnate someone! And that fucking someone is Charlie, whom I thought was a guy, but Charlie is actually a girl all this time," mahabang litanya ko. Ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko at ang pag-alon ng paningin ko. "Silly me!" tatawa tawa ko pang dugtong.

Alam ko sa sarili ko na tinamaan na ako ng alak at ganoon na din si Iris dahil may katawagan na siya sa phone niya habang si Cy naman ay nagtatawag na ng uwak.

"Sa tuwing may karelasyon nalang ba ako laging ang dahilan ng paghihiwalay namin ay dahil may nabuntis?" At heto naman ako nagda-drama kahit na hindi ako sigurado kung nasa wisyo pa ba sila para ma-proseso ang sinasabi ko. "Tapos bakit naman ganoon si Mommy? Ano 'yon, small thing lang ang cheating?" Tuloy ko pa.

Uminom lang kami roon ng uminom. Walwal kung walwal.

Nalingunan ko pa si Iris na mukhang nag-da-drama rin sa kausap. "Drunk call yarn?" Biro ko at itinaas naman nito ang ring finger bilang sagot. Bait, ah.

Hilong hilo na ako kaya't sumandal na ako sa sofa at pumikit nalang.

"Miss ma'am," rinig ko pang tawag ni Iris sa kausap. Sus.

Nanatili lang akong nakapikit. Ramdam ko ang pamamanhid ng braso ko dahil parang may nakadagan dito kaya nag-mulat na ako ng mata. Marahan kong inalis ang ulo ni Iris sa pagkaka-unan sa braso ko.

Nilibot ko ang tingin. Nasa kwarto na kami at tabi kaming tatlo sa kama. Sumisilip naman ang sinag ng araw sa pagitan ng kurtina, senyales na umaga na.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina habang hinihilot ang masakit na ulo. Nag-timpla ako ng hot choco.

"Pahingi ako," ani Cy na pupukas-pukas pa. Ipinagtimpla ko din siya.

"Naisuka ko na ata lahat sa akin kagabi," aniya.

Natawa ako. "And I think I've been the drama queen last night," dugtong ko. "Oh, ayan na ang nag-wagi," baling ko kay Iris na susuray-suray pa.

"Anong mayroon?" Aniya.

Nagkatinginan kami ni Cy at sabay na ngumisi, parehong naalala ang ilang pangyayari kagabi. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ni Iris ng buklatin ang phone.

"Congrats, madidiligan ka na," tukso namin.

Sinamaan niya kami ng tingin. "Mga gago."

Umuwi na ako sa amin pagkatapos.

"Tumawag ang mommy mo," bungad ni Yaya nang makapasok ako ng bahay. "Pinapauwi ka na," ika niya pa.

Umiling lang ako. "Dito na ako ulit, 'Ya. Ayaw ko na doon," sagot ko.

"Huwag kang padalos dalos ng desisyon, anak," aniya. Alam kong nag-aalala siya.

"Magaan ang loob ko sa desisyon kong 'to, 'Ya," I assured her.

Lumapit siya at hinagod ang likod ko. "Ayaw ko lang maulit ang nangyari noon," paalala niya.

I nodded and gave her a side hug. Trust me, 'Ya. This was probably the best decision I made for myself for the last five years.

Though embracing myself again doesn't mean na makikipag-balikan ako kaagad kay Haley. I don't want to make things more complicated that it already is, especially now that there's Lily. I'll just leave it to His will. After all, if we're meant to be, we will be.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon