Chapter 39

309 11 3
                                    

Chapter 39

Haley's POV (Part 1)

"Ms. Sandoval, please accompany our new student, Ms. Imperial, hangga't hindi pa siya masyadong familiarize sa university," Ma'am Amelia asked a student in the faculty.

The student nodded absentmindedly.

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan siya. She seemed lost with her own thoughts.

I looked at my wristwatch and saw that my first class is about to start. Bahagya akong nataranta dahil hindi ko pa alam kung saan ang classroom ko.

Nilingon ko ulit ang babae at bumuntong hininga. I hate to interrupt her peace but I don't want to be late.

"Hey! I'm Haley, nice to meet you!" Lakas loob kong pagkuha sa atensiyon niya.

She looked at me, still preoccupied with what she's thinking. Nang magkatinginan kami ay bahagya siyang natigilan, tila nagulat na nandito ako sa harap niya.

"Haley?" Ulit niya.

I just nodded. Thank goodness, she heard me!

"Oh! I'm Bea! What do you need?" Natatarantang aniya.

I gave her a smile. "Ma'am Amelia said you should accompany me while going around the campus."

"Magkaklase tayo sa P.E." Bea exclaimed when I showed her my schedule.

Pinagmasdan ko siyang tumatawa habang kausap sila Iris at Cyril.

Who would've thought that I would found friendship in her?

If I try to think of it, hindi ko na din alam kung paano kami naging sobrang close dahil hindi naman kami magkapareho ng course. P.E. lang ang natatanging subject na nagkatugma kami.

We got along very well and very quickly. It was just 2 months of knowing each other and I already feel so comfortable around her.

Beatriz Sandoval made me feel the emotions I know I shouldn't feel towards a friend.

Destiny. Fate. Whatever we call it, it sure knows how to manipulate the game...

And so I started questioning my gender.

Pinanood ko kung paano ako asikasuhin ni Bea kahit abala sa pakikipagtawanan.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Ganoon pa din. Para pa din akong nakalutang 'pag kasama siya.

I sighed. "Tama na," banggit ko nang lagyan niya na naman ng madaming kanin ang plato ko.

Tama na. Tama na sa pag-asikaso sa'kin... Tama na sa pagturing sa'kin na para akong isang prinsesa.

Binigay niya sa'kin ang buong atensiyon. "You should eat more, Hal."

Tulad niyan. 'Yang mga simpleng ganyan niya ang dahilan ng labis na pagwawala ng paru-paro sa tiyan ko.

I hate how I started putting malice in everything she does. Our friendship was pure and I wanted it to remain that way.

I don't know when this feeling started. Last time I remember, I was still so supportive of whatever her relationship with Chad.

"Eh, sa kaonti lang ako kumain," reklamo ko.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Kain na," aniya nang matapos akong lagyan ng ulam.

I sighed. Walang nagawa akong sumubo. Laging ang dami niyang maglagay, siya din naman ang kakain nito 'pag 'di ko naubos.

"Sweet naman, Bei. Bakit never kang naging ganyan sa'min?" biro ni Iris.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon