Chapter 3

678 27 0
                                    

Ilang araw na din yung lumipas, 3 days to be exact. Ramdam ko pa din yung sakit pero mas nanaig sakin yung galit, galit para sa sarili ko at pagsisisi dahil hinayaan ko lang yung nararamdaman ko, hindi man lang ako gumawa ng paraan para ibalik yung dati. Para bumalik ako sa dati. And I'm talking about our friendship.

Sa 3 days na yon, medyo ilap ako sa lahat. I don't know pero nahihiya ako, yes! I'm embarrass about myself, about my feelings. Dahil alam kong kasalanan kong lahat ito, walang kasalanan si Haley dito, she doesn't deserve this.

So I tried so hard para iwasan sila Iris lalo na si Haley. Maaga ako lagi umuuwi after school unlike noon na makikipagbonding pako sa kanila. Lalo na pag break time, madalas ako tumambay sa playground sa likod lang ng university, alam ko kasi na di nila ko makikita don.

Pagkatapos na pagkatapos ng huling klase uuwi na ako agad, at magkukulong nalang sa kwarto. 3 days na ding nakapatay yung phone ko. Ang assuming ko sa part na baka i-contact ako ni Haley, at natatakot ako na baka diko mapigilan yung sarili ko na umamin nalang bigla. At ayokong mangyari yon, natatakot ako.




"Anak, what's wrong?"

Habang nasa hapag kainan kami, di na napigilan ni mommy na magtanong. Maybe, she had enough of my silence, she had enough of me not being my usual self.

"Yes Bea, you can tell mommy and dada about your problem, come on sweety." Si Daddy. Actually, kauuwi lang nila galing sa conference na ginanap sa ibang bansa kahapon. And knowing my mom na masyadong observer, na-sense na nila agad na may problema ang unica ija nila. And maybe, yaya Sally also told them na nagkukulong ako sa kwarto palagi.

There, may nagtutulak sakin na magopen up sa kanila kasi hindi naman nila ko magagawang i-judge dahil anak nila ko. Pero kasi ayoko makita yung disappointment sa mukha nila.

"Nothing. I just don't feel like hanging out with my friends. I'm sorry mom for making you and dada worried." I smile, pigil na pigil ang luhang gustong gustong kumawala.

"It's okay anak, just please take good care of yourself, especially that your dada and I are not always around to look for you, okay?" Mommy said smiling back at me.

I stood up from my seat and hug both of them. I'm really happy na nagkaroon ako ng parents na laging umuunawa sakin. And I think this is not yet the right time to admit my true self to them, I don't want to erase those beautiful smile they are wearing just because I'm fvcked up for being a girl who loves a girl.

After that, sinabi ko sa kanila na aakyat muna ko sa kwarto at magpapahinga.

"Alright sweety, we love you."

"I love you too mom and dada."

Medyo gumaan na rin yung pakiramdam ko. I just realized that I cannot run away to my true identity. I need to face this. And kailangan ko na din harapin ang lahat, lalong lalo na si Haley. At sisimulan ko to bukas.



"Hoy Beatriz Carilaisle Sandoval, ano bang nangyayari sayo? Ilang araw kang walang paramdam aba!" Sabi ni Iris na sinulyapan lang ako pagkadating ko sa tambayan namin at binalik din yung tingin sa hawak na phone, katext siguro si Aizel, who else tsk.

"Hey we miss you but make kwento na girl dali!" Cyril. Kakagaling lang naming tatlo sa school, pero mas nauna silang pumunta dito dahil may ipinaayos pa sa aking form si Ma'am Amelia.

Hindi ko alam kung ready na ba kong aminin sa kanila. Kasi kahit sa sarili ko in denial pa din ako. Pero alam ko din na hindi ko kayang sarilinin to. Hindi ko man masabi kila mommy, pero at least sa kanila may lakas ako ng loob, isa pa may tiwala naman ako na hindi nila ko pipintasan. At si Iris! Si Iris ang makakatulong sakin!

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon