Chapter 25

389 15 2
                                    

Chapter 25

"'Ya Sally, si Chad po?" tanong ko agad ng makauwi ng bahay.

Nilingon lang ako nito saglit saka tinuloy ang pagpupunas ng vase.

"Umalis saglit, anak. May bibilhin lang daw siya."

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang ang likod niya. Yaya Sally is one of the people that I treasured so much, hindi ko maisip kung paano ako uusad noon kung wala siya.

I remember how Yaya embraced me when I felt the weakest. How she respect my decision and kept my secret. Remembering those things got me teary eyed.

Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko ng lumingon si Yaya kaso nakita niya na pala.

Napangiti ako ng walang tanong tanong ay basta nalang nitong ibinuka ang mga braso para sa isang yakap.

Parang bata akong tumakbo at yumakap kay Yaya.

"'Ya, I miss you," bulong ko habang dinarama ang malamyos niyang paghagod sa buhok ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Alam kong pinapatungkulan ni Yaya ang pagod at hilo ko sa byahe kahapon pero iba pa din ang dating sa akin ng tanong na iyon.

Maayos na ba talaga ako?

I shook my head and tightened my hug.

No. I'm not okay. Hindi ako magiging maayos hanggat hindi ko nakakausap si Haley.

"Magpahinga ka na muna," aniya lang kaya kumalas na ako. "Hindi magandang pagod na ang isip, pagod din ang katawan."

I nodded and smiled faintly. Aakyat na sana ako ng hagdan ng tawagin ako ulit ni Yaya. Malungkot akong lumingon sa kaniya.

"Sapat na ang limang taon para patawarin mo ang sarili mo, anak."

I was stoned. Am I too transparent? Ganoon na ba ako kadaling basahin? O dahil kabisado na din ako ni Yaya?

Kita ni Yaya na naapektuhan ako kaya muli siyang lumapit at hinaplos ang kaliwang pisngi ko.

Pinagmasdan niya muna ako.

"Masakit para sa akin na makita kang nasa ganoong ayos noon, masakit na payagan kang itago ang nangyari sa mga magulang mo pero mas masakit atang makita kang nagdudusa pa din hanggang ngayon," tuloy tuloy niyang bigkas.

A tear fell. Aside from Chad and my best friends, Yaya Sally also knew what happened.

"'Ya Sally.." I uttered.

"Bea, anak, hindi ang kapatawaran niya o kahit nino ang makakatulong sa 'yo kundi sarili mo lang," aniya habang pinupunasan ang gilid ng mata ko.

Inakap ko muli si Yaya. Pero ayaw kong makita niyang mahina ulit ako kaya agad din akong kumalas at nagpunas ng mukha saka tumalikod na.

"Punta muna po akong kwarto," paalam ko saka dali dali ng umakyat.

"Mahalin mo na yung sarili mo, anak. Ayoko ng maulit yung muntik ka ng mawala sa amin," may kalakasang dagdag niya pa.

I almost stumbled when her voice broke at the end of her sentence.

Pigil na pigil ang hikbi na sumagot ako, "Opo, 'Ya. That was the biggest mistake of my life. Hinding hindi na iyon mauulit," sabi ko saka tumakbo na paakyat.

Back then, my guilt got the best of me so I overdosed myself from an over-the-counter drugs. An eye for an eye, a tooth for a tooth, a life for a life. I ended an innocent life so it was just right to take mine too.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon