Chapter 18

316 11 2
                                    

Chapter 18

I was lost in reverie until my phone rang. Honestly, I almost forgot everything, Nika and I, talked about. The kiss was the only thing running on my mind as of the moment. What was that for? Did she just confessed?

Hindi ko alam kung anong oras na, pero nang tignan ko ang langit, tantiya ko ay kanina pa ako wala sa sarili. Makulimlim pa ang paligid. I think I skipped my lunch. Kinuha ko na ang mga gamit ko para umalis. Naglalakad na ako nang tignan ang patuloy na nag-iingay na aparato, tumatawag pala si Mommy.

"Mom?" Usal ko pagkasagot ng tawag.

"Beatriz, are you still at school?"

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad habang kausap si Mommy.

"Yes, Mom. Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.

She never called me during class. And if I attended my supposed class, I do have class at this time. Saglit kong inilayo ang cellphone sakin para tignan ang oras, alas tres na ng hapon. Ganoon ako katagal sa playground?! I'd blame Nika for that! And I did skipped lunch!

"Sorry, Mom. Did you say something? May tinignan lang po ako," paliwanag ko.

"Yes. Go home after your last class."

"Okay, Mom. I'll drop by."

"No. Uuwi ka na," malamig na sabi ni Mommy.

Huminto muna ako sa paglakad para mas makausap ng maayos si Mommy.

"Opo, dadaan po ako diyan, Mommy."

"No. Bring your things with you. We want you here." sabi lang niya saka ibinaba na ang tawag.

Weird. I thought she liked the place. Well, maybe they just missed me. I was bothered about it so I texted her.

To: Mom

What do you mean, Mom? Anyway, I'll visit after class.

I was busy scrolling with my phone when Haley's friends came to me.

"Bea!" Andi, one of her friend called.

"Hey," bati ko pabalik.

"We're just wondering if you know why Haley didn't attend our class?"

My forehead creased. Mas maaga pa siyang pumasok sa akin kanina, ah?

"Hindi siya pumasok?" paninigurado ko

"Hindi, Bea. Absent siya buong durasyon ng klase. She didn't informed us so we're bothered. May nasabi ba siya sa 'yo?"

Umiling ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Did she lied? Pero wala din naman siyang sinabi na papasok siya kanina... Pero bakit hindi man lang niya ako sinabihan? I am her girlfriend! Oh my god. I am probably overeating. But I know, I could sense that Haley was keeping something from me.

"May quizzes din kami kanina. Nagdahilan na lang kami sa mga prof para bigyan siya ng special quiz. Ang aga nga ng dismissal namin ngayon."

"Baka may importante lang na inayos," sabi ko.

Baka may importante lang na inayos... Ulit ko sa sarili ko.

"Baka naman date!" kantiyaw ng isa nilang kaibigan na lalaki.

Walang reaksiyon ko silang tinignan. Sino ide-date n'on? Andito ako! Andito ang girlfriend!

Plastik akong nakitawa sa kanila.

"Anyway, we heard what happened. Are you okay?" tanong pa ni Andi kaya natahimik silang lima.

Tumango lang ulit ako. "I'm fine," sabi ko.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon