Epilogue

394 11 1
                                    

This is the end of If Only. It took me years of on/off writing and here I am, finally closing my first story. Thank you for sticking with me until the end!

------

Epilogue

"Love, ready ka na?"

Nilingon ko si Haley nang matapos akong mag-double check ng bagahe ko.

"Yup. How about Lily?"

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong ilabas sa kwarto ang maleta.

"Alam mo namang excited yung baby damulag na 'yon, no'ng nakaraang linggo pa handa," sagot niya na nakapag-patawa sa akin.

That's true. Lily's so excited to go out of the country. After all, this will be her first time to do so.

We'll be flying to New Zealand today for the wedding.

Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang birthday ni Lily. We didn't announce anything to our friends about our relationship ngunit alam ko na may namumuo ng idea sa isip nila dahil dito na rin ako nakatira kila Haley.

At yung kay Luis? Nagkausap na sila ni Haley. Nagkapatawaran na sila ngunit mahihirapan ang lalaki na kunin ang loob ni Lily dahil mailap ito sa kaniya.

Madalas dalawin ni Luis si Lily, mukhang bumabawi talaga ito sa bata. Samantalang kami ni Luis ay ilag pa rin. Ramdam ko naman na kahit okay na siya ay may puwang pa rin ang galit dahil imbis na siya ay ako ang kasama ni Haley at Lily.

And being with Haley and Lily everyday is like I've reached the unreachable dream. Masaya ako ngunit minsan ay nangangamba rin na baka panaginip lang ang lahat ng ito. I am too happy and I don't know what will happen to me if that bubble of happiness bursts. I'm scared someone will slap me and wake me up from this beautiful dream.

However, it's not a slap but a tender kiss that woke me up from my daydreaming.

"Love, let's go?" Si Haley.

Lumamlam ang mga mata ko habang tanaw siya. Yeah, this is not a dream. This is reality.

Nag-tungo na kami sa airport. Magkahawak kamay kami ni Haley habang kasunod namin si Geline at Lily.

Hindi dapat kasama si Geline ngunit hindi ako pumayag. This is an important event in our lives and she should be there. Malaki ang pasasalamat ko kay Geline dahil nandoon siya para sa mag-ina ko no'ng mga panahong naliligaw pa ako.

"Hey, okay ka lang?" Pansin ata ni Haley ang pananahimik ko habang nag-hihintay kami sa flight namin.

"Naalala ko lang sila mommy," banggit ko at sumandal sa balikat niya habang nakakawit ang kamay ko sa baywang niya.

Si mommy na hanggang ngayon ay tutol pa rin sa relasyon namin. Si daddy naman ay neutral lang. Habang ang parents naman ni Haley ay hindi tutol ngunit hindi ko masabi na suportado nila kami. Neutral kumbaga, parang si daddy.

Kaya kahit gustuhin ko man na andoon ang parents ko sa isa sa pinaka-importanteng pangyayari sa buhay ko ay wala akong magagawa. Hindi pa nila kami tanggap.

Nang makarating sa resort ay inihatid ko na muna sila Haley sa room namin para makapag-pahinga sila saglit dahil 12 hours din ang itinagal ng flight. Pagkatapos ay nilapitan ko naman ang organizer ng kasal.

"Noted, Ms. Sandoval. Advance congratulations again," anas ng organizer at bumalik na sa trabaho nito.

Hindi muna ako bumalik sa room at pinagmasdan ang napaka-gandang tanawing nasa harapan ko. New Zealand's view. We've arrived here early.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon