Chapter 38

331 11 2
                                    

Chapter 38

"I see that you're really decided on this, Beatriz," si Mommy nang dalhin ko sa kanila ang invitation.

Next month pa ang balik nila sa US. Though lagi namang nandito si Daddy sa Pinas para sa negosyo namin.

"Yes, 'My, it's okay if you don't attend, but take this as my way of asking for your support."

Hindi pinansin ni Mommy ang sinabi ko. "So it's true that she have a daughter... out of wedlock."

Tumahimik ako. Nakikiramdam. Pero kahit anong sabihin ni Mommy ay desidido na ako na mananatili ako sa tabi ni Haley.

"Chad still loves you," muling aniya.

I sighed. I thought we're clear about this.

"I don't love him... anymore," simpleng sagot ko.

Mula sa pagsuri sa imbitasyon ay lumipat sa'kin ang mapanuri niyang mga mata. Hindi ko maiwasan na makita ang sarili ko kay Mommy. After all, I got almost all of my features from her.

"He still wants you back, Beatriz..."

Umiling ako. "I don't, 'My. If you still insist this, I'll leave now. Dinala ko lang talaga ang invites."

"Hindi ko na ipipilit pa ang sa inyo ni Chad," banggit niya bago pa ako makahakbang.

Hindi ako nagpakita ng reaksiyon. Hindi ko din alam kung anong dapat maramdaman dahil alam kong may kapalit iyon.

"I already accepted that you two can no longer be," bumaba ang tingin niya sa hawak. "But this? I can't accept this."

Yumuko ako at tumango. I guess I will never have their support in this lifetime.

"You're my only daughter..."

Bagsak ang dalawang balikat na umuwi ako kila Haley. Hindi ko ikakaila na nasaktan pa din ako kahit na tanggap ko na na hindi nila ako masusuportahan sa pag-ibig ko na 'to. 

"Hey, ano? kumusta?" Tanong kaagad ni Haley.

Pagod akong ngumiti. "Still a no."

"I'm sorry," she said and enveloped me in a warm hug. I sighed as I immediately feel comforted.

Haley can give me all kinds of feelings no man can do. Why can't my parents see this?

"Pinadala ko na kila Geline ang invites para sa mga classmates ni Lily. Yung para sa mga staff sa shop nalang ang nandito pa."

"How about your parents?" Tanong ko.

Kumalas siya sa yakap pero nanatiling magkadikit ang mga katawan namin.

Pinagmasdan ko siya. Akala ko ay tulad ng akin ay bigo din siya ngunit unti unting sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"They'll come!" Bakas ang excitement sa boses niya.

Masaya ako para sa kaniya ngunit hindi ko din maiwasan na malungkot at maisip ang parents ko.

'Di na din kami nagtagal pa at tumulak na papunta sa mall.

"I really can't believe na mag-pa-five na si Lil," banggit ni Haley.

"Yeah. Time flies so fast," sang-ayon ko.

"Hmmm... Five years," nilingon niya ako. "Where do you see yourself in five years, B?" Biglang tanong niya.

I licked my lips. "I see myself as someone married. Married to you," diretso at walang pagdadalawang isip kong sagot.

Saglit ko siyang sinulyapan at nakita ko siyang natigilan habang pinamumulahan ng mukha. Nang makabawi ay tinapunan ako ng masamang tingin.

"That's not a good joke, B!" Pagalit ang tono niya pero kita ko ang naglalarong ngiti sa labi niya.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon