"How have you been, hija?" tanong ng aking ina nang nasa sala na kami.
Sinalubong agad niya ako ng yakap pagkapasok ko pa lang ng bahay. Wala ang Daddy dahil nasa trabaho. Si Kuya Rad at mommy lang ang narito sa bahay.
"I'm doing good, Mom."Pilit ang ngiti ko.
Hindi ito ang unang beses naming pagkikita pero naiilang pa rin ako.
"Mabuti at pumayag kang dumalaw dito." Malamyos na tinig niya sabay haplos sa buhok ko.
"Wala naman po akong masiyadong ginagawa sa mansyon."
"I heard you're painting. Sana nagdala ka kahit isa dito," sabat ni kuya.
"Oo nga naman, hija. I want to see your artworks."
"Next time, mom. Past time ko lang naman 'yon. It's not that good."
"Oh no don't say that. I know you're doing good. I just never thought you'd be into arts. Hindi ka naman kasi mahilig niyan noong bata ka pa e." Tumawa siya nang bahagya.
Mataman ko siyang tinignan.
"Gusto mo bang makita 'yung mga litrato mo noong bata ka pa? Sandali at kukunin ko." Tumayo siya at dali-daling umakyat ng hagdan.
"Miss ka lang niyan."
Napabaling ako sa kapatid. Ngumisi siya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan but somehow komportable ako sa kanya.
Maya-maya'y dumating na si mommy at may dala-dalang photo album. Umupo uli siya sa tabi ko at binuklat iyon.
"Ito ka noong baby ka pa lang. I guess you were just one year old then." She pointed the photo and chuckled.
Napangisi din ako. It's cute.
"Ito naman noong kindergarten ka. Hindi ka masiyadong maganda diyan kasi umiiyak ka at ayaw mong magpapicture." Tumawa siya ulit.
"Ito naman ang pinakamaganda. See that flashy smile? Napakabungisngis mo noon."
Marami pa siyang ipinakita sa akin pero habang tumatagal napapawi ang ngiti ko. I don't remember any of these and it makes me sad.
"Ah ito! Mabuti na lang pala kinuhanan ko kayo ng litrato noon. This is you with the Esquivel siblings." Itinuro niya ang batang ako na nasa gitna ng mga batang mas matatanda sa akin.
There are four boys and a girl. From left to right, isa isa niya itong pinangalanan.
"This is the first born, Ryl. Second, Rheagan. Third, Axton. Fourth, Priam and last Cassie."
Halos magkakamukha sila. They were all good looking even when still young. Nanatili ang titig ko doon. Those smiles, those hand gestures. I can see them. Those laughters, I can hear them.
"Thralaine! Oh my god! How have you been?!" masayang sambit ni mommy nang salubungin niya ang kaibigan.
I was eight years old that time when mom decided to visit a friend of her in Quezon.
"I'm good! Kumusta, Kandice?" The woman in mid 30's smiled wildely as they exchange kisses on the cheek.
"Still looking beautiful." My mom giggled.
"Mukha nga." Tita chuckled and looked down on me. "Ito na ba si Zosia?"
"Yes." Mom smiled at me.
"Gandang bata."
"Of course kanino pa ba magmamana?"
Nagtawanan sila.
"Where's Radcliff and your husband?"
BINABASA MO ANG
One Single Memory
Lãng mạnFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...