Wakas

177 9 0
                                    

"Ser, dumating na 'yong beterinaryo." Mabilis na naglakad si Mang Felipe palapit sa akin habang nasa likod niya ang isang lalaking may edad na.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at nilingon ang dalawa.

"Magandang hapon, Mr. Esquivel." Naglahad ng kamay ang lalaki.

Tinanggal ko ang gloves ko at nakipagkamay.

"Magandang hapon. Buti nakarating ka. Salamat."

Tumango ito at tinignan ang nanghihinang kabayo.

"Iyan na ba 'yon?" tanong niya.

Tumango ako.

"Ilang araw na siyang ganyan. Sana magawan mo ng paraan. I can't lose this horse."

"Huwag kang mag aalala, Mr. Esquivel. Ako na ang bahala." Tipid siyang ngumisi at tinignan 'yon.

"Ser, congrats nga pala sa kasal niyo ah?" Tumawa si Mang Felipe. "Grabe, ang daming bisita."

"Thank you po." I smiled and glanced at my two wedding rings.

I still can't believe I am married to the only woman I've ever loved. Parang panaginip pa rin ang lahat. It feels surreal. I thought she'll remain as my first love but I never expected she'd become my wife. Twice. Hindi naman niya kasi ako gusto sa simula pa lang.

"This is her daughter, Zosia," pagpapakilala ni mommy sa amin sa nakababatang kapatid daw ni Rad.

The first time I laid my eyes on her,I felt something strange already. She's cute and petite. Iyon agad ang unang nasabi ko sa isip. Agaw pansin din ang kulay puti niyang hair clip sa buhok. Her wavy hair fits her cute and small face. She looked like a doll.

"Hi!" masayang pagbati niya sabay kaway sa amin.

She looked so friendly and bubbly at first impression. I could see that in her doe-like innocent eyes that shines whenever she flashes a sweet smile.

Isa isang bumati ang mga kapatid ko maliban sa akin na nakatingin lang sa kanya.

"Hi Zosia!"

I saw how she blushed when my brother Axton winked at her. Dahil doon mas lalo ko siyang 'di nilubayan ng titig.

"Laro tayo!" masayang sambit ni Zosia.

Umupo si Kuya Ryl sa sofa kasama ni Kuya Rheagan. Meanwhile, Axton and I remained standing near her.

"Laro tayo, Cassie!" Bumaling siya sa kapatid kong mukhang kaedaran niya lang.

"Sure!"

"Sama ako!" sabat ni Axton.

"Iw! Kuya ang tanda mo na! And we're gonna play dolls. Bakla ka ba?" iritadong saad ni Cassie.

Axton chuckled.

"But I can't miss this pretty girl here." Bumaling si Axton sa kanya at ngumisi.

She profusely blushed again at that. I rolled my eyes inwardly. This brute really knows how to impress. Walang pinapalampas. Pati bata pinapatulan.

"Huwag ka nga! Susumbong kita kay dad!" Cassie warned.

"Just kidding baby. Ito naman. Hey bud, go for a game? Ang matalo magbibigay ng reward." Bumaling si Axton sa akin.

"I'm not interested," tipid na sagot ko habang nakatingin sa babae.

"Hay! Ang kj mo talaga, Priam." Marahas siyang nagkamot ng ulo. "Rheagan! Game tayo!"

"Zosia, let's go? Doon tayo sa playroom."

Sinundan ko sila ng tingin hanggang makaakyat sila ng hagdan. I turned to my brothers who were playing video games and then to my mom who's busy talking with Tita Kandice. Sumunod ako sa itaas dala ang isang libro.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon