Itinulak ko ng marahas si Priam at galit na tumingin sa kanya nang makabawi ako.
"What's the meaning of this, Priam?!" galit na utas ko. "Ano 'to?!"
"Zosia-"
"Ano?! Sinundan mo ako para mahuli si Dale?! Ginawa mo akong pain, Priam?!"
Humakbang siya pero umatras ako. Wala na ang mga pulis at si Dale. Kami na lang dalawa ang nasa loob ng apartment.
"That's the only way I thought-"
Sinampal ko siya. Hindi agad siya nakabaling sa lakas ng pagkakadapo ng kamay ko sa pisngi niya.
"How dare you do that to him! And you know what's worse? You used me, Priam!"
Bumaling siya sa akin nang may pag aalala.
"Ginawa ko lang ang tama-"
"Tama?! Tama ba 'yung ginawa mo?!" sigaw ko. "How can you arrest a person just like that, Priam?! He's innocent and he's trying to prove that!"
"Then he has to prove it in court! Sinabi ko na sa'yo 'yan noon!" bahagyang tumaas ang boses niya. "Itong ginagawa mo ang mali, Zosia. Nakikipagkita ka sa isang kriminal!"
Nangilid ang mga luha ko habang mariing nakatitig sa kanya. Then I remembered what the police officer said. His cases were attempted rape and acts of lasciviousness. Hindi ako makapaniwala.
"Do you know what they tried to do you?! They tried to..." he trailed off and shut his eyes tightly.
Para bang hirap na hirap siyang sabihin 'yon. Na ikamamatay niya kapag sinabi nya 'yon.
"Yes. Alam ko na. But he was telling me the whole story a while ago! Kung hindi ka dumating, baka nasabi niya sa akin lahat. Lahat ng totoong nangyari! You interrupted our talk!"
"Mas iniisip mo pa y'an kaysa sa kalagayan mo?!" mariing sabi niya. "Zosia, you were here in this enclosed area with a criminal! Do you know how dangerous is that?"
"Hindi masamang tao si Dale! Kaibigan ko siya. And stop calling him a criminal!"
Tinanggal niya ang tingin sa akin at pumikit nang mariin, hirap na hirap na ipaliwanag sa akin ang lahat.
"I'm sorry but you don't know what you're talking about, Zosia..." kalmado at pikit matang sabi niya.
"Ikaw ang hindi nakakaintindi, Priam!" giit ko at nagkatinginan kami. "Dale is my friend. He's Axton's friend too. Hindi niya magagawa ang binibintang mo sa kanya!" napapaos na sabi ko.
"Zosia-"
"Kung masama siyang tao matagal na sana niya akong sinaktan. This is unfair, Priam!" Tumulo ang luha ko.
Sinubukan niyang punasan iyon ngunit umatras ako at hinawi ang kamay niya.
"Kawawa naman 'yung tao! Wala siyang kasalanan pero pinakulong mo agad."
"We have evidences. At lahat ng 'yon ay itinuturo siya. Stop fighting for him, Zosia! I'm protecting you at all cost but you always put yourself in danger," nahihirapang saad niya.
Nagtiim bagang ako sa sinabi niya.
"Who told you to do that, Priam?! Who asked you to do that huh?! I never demand protection from you!" pagalit na utas ko at dinuro siya. "Hindi porque kasal tayo at mag asawa ay kailangan mo nang gawin 'to! Kasal lang tayo sa papel, Priam. I never asked you to love me and care for me!"
Ang kaninang seryoso at galit na mukha niya ay biglang nanlambot.
"Hindi ko maintindihan kung bakit nandito pa tayo sa sitwasyon na ganito e. We were tangled in marriage that I didn't want from the time I woke up from the accident. Hindi kita maaalala. Hindi ko maaalala ang feelings ko sa'yo!" basag na boses ko. "So why we have to be in this marriage?!"
BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...