Kabanata 6

81 9 0
                                    

Halos kalahating minuto lang ang hinintay ko nang dumating ang kanyang itim na Vios. Kinatok niya agad ang bintana ko. Ibinaba ko 'yon at tumingin sa kanya.

"Are you okay?" unang tanong niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita agad. I don't know why I felt relieved and safe at the same time.

"Zosia?" he called worriedly.

"I-I'm okay. You drive first. Susundan kita." I turned on the engine.

"No. Get in my car. Kasama ko ang driver. Siya ang magmamaneho niyan."

Napabaling uli ako sa kanya at tumingin sa likod. Nakatayo sa malapit ang driver namin. Hindi na ako nakipagtalo at tumango na lang. I opened the door and we walked towards his car.

"Never go out without Norman again," pangaral niya nang makapasok kami sa loob.

"I was just... trying to be normal again," sabi ko habang nakatitig sa labas ng bintana.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napatingin ako doon. His large warm hand covered my small delicate hands. Somehow it comforted me.

"You make me worry." His voice was husky.

Lumunok ako at marahang tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. Gulat niyang naiangat 'yon at ibinalik sa manibela. Matagal bago pa niya pinaandar ang sasakyan. Katahimikan ang bumalot sa amin sa biyahe hanggang sa binuksan niya ang stereo.

"Unti-unti nang napapagod
Sa aking puso'y humahagod
Sa paghintay hanggang sa dulo
Ako'y nalulunod.."

Napabaling ako doon dahil parang pamilyar sa akin ang kantang 'yon.

"Di inaasahang oras
Huminto na ang paglipas
Sa lugar na walang ala-ala
Nabigyan ng halaga

Ika'y aking nakita
'Kala ko namalik-mata
Sa wakas nahanap ko'ng
Hinahangad ng aking puso

Ito na ang segundo
Di ko na palilipasin
Pilit na hahabulin"

"Wala nang hininga
Ako'y nanghihina
Pero di alintana
Oh kahit ako'y matapilok
Tuloy parin ang pagtibok
Ng puso kong
Sinisigaw pangalan mo
Huminto na at wag lalayo
Malapit nang mapatingin
Ika'y mapapasakin din.."

"Hoooo! Ang galing niyo!"

"The best!"

"AQUILA LAUREL! RANULPH CHAN! CLAUDE ALFARO! JUSTINE MONTENEGRO! WE LOVE YOU GROUND ZERO!" a group of girls cheered in chorus.

"Wuhooo! Ang galing mo, Justine!" malakas na sigaw ko.

I giggled and looked down on Cassie who's staring blankly at the stage. Nakahalukipkip ito at parang boring na boring sa buhay.

"Cassie ano ba! I-cheer mo naman 'yung suitor mo!" Pinipilit ko siyang tumayo.

Siya lang yata kasi ang nakaupo dahil lahat ng estudyanteng nanonood ay sumisigaw at tumatalon talon pa sa kauna unahang kantang nirelease ng banda dito sa Hopewell High.

"C'mon Cassie!"

"Ano ba Sha! Will you stop him calling my suitor?!" iritadong sambit niya.

Humalakhak ako.

"That guy really like you, bes. Huwag ka nang maarte d'yan. He's a hottie! Everyone would die for that voice and oh my gosh! That deep dimples." Tumili ako at pumadyak padyak.

"Wala nang hininga
Ako'y nanghihina
Pero di alintana
Oh kahit ako'y matapilok
Tuloy parin ang pagtibok
Ng puso kong
Sinisigaw pangalan mo
Huminto na at wag lalayo
Malapit nang mapatingin
Ika'y mapapasakin din."

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon