Nothing is more joyful than dancing with the man I truly love. It's overwhelming. I have never imagine dancing with the man I like, even in my wildest dream. Wala akong ibang lalaking nagustuhan kundi siya lang at pakiramdam ko para na akong sasabog sa saya.
"Thank you for this, Axton. Salamat at pinagbigyan mo ako," nakangiting sambit ko.
Ngumisi siya sa akin. Iyong ngising gustong gusto ko.
"Of course, Zosia. You're my friend. It's normal."
Napawi nang bahagya ang ngisi ko. A friend. I was only a friend to him. Alam kong ilang beses na akong nagconfess ng feelings ko sa kanya at ilang beses na rin akong na-friendzone pero kahit na ganun, umaasa pa rin ako na kahit papaano mababago ko ang isip niya.
"Anyways, you look stunning tonight. You look cute." Ngisi niya.
Pinasadahan ko ng tingin ang pink na cocktail dress ko. Hindi ito ang gusto kong damit. I prefer red or black long gowns but mom insisted this freaking childish attire! She said I'll be cute in here. Ayaw ko no'n. I wanted to become more mature because I know Axton's types of girls.
"Am I?" I laughed awkwardly. "I didn't want this dress though. I wanted a dress that would make me look matured."
He chuckled.
"That doesn't fit your age. Sakto lang 'yan sa'yo. You're still fourteen."
"I'm turning fifteen!" angil ko.
Humalakhak siya.
"Why so cute? Lalo na kapag nag bu-blush ka." Marahan niyang kinurot ang pisngi ko.
Hinawakan ko ang umiinit nang pisngi ko. I can't believe he just pinched my cheek. Ngumisi ako at bahagyang yumuko.
Hindi pa man kami nagtatagal sa dancefloor may mga babae nang nagyaya sa kanyang sumayaw kaya wala akong nagawa kundi umupo na lang.
"Hay, pwede na akong umuwi." Hinawakan ko ang pisngi ko at humagikgik.
"Sus! Naisayaw lang ng crush niya e." Kinurot ako ni Billie.
Nginisihan ko siya at tumaas baba ang kilay ko.
"I'm Zosia the great. Sabi sa inyo e, maisasayaw ko yang asawa ko," taas noong sabi ko.
"Siya ang first dance mo pero sino ang first kiss mo?" Humalakhak si Haven.
Napawi ang ngisi ko at tinitigan ko siya nang masama.
"Sino nga ang first kiss ni Zosia?" pang aasar niya.
"Si Priam!"
Nagtawanan sila.
Umamba ako ng batok sa kanila kaya nag iwasan sila.
"Huwag niyo ngang sirain ang gabi ko!" untag ko. "At huwag niyong mabanggit banggit ang pangalan niya sa akin ah! Err! That jerk. God I hate him! It was supposed to be for Axton only but he stole it. Kainis!"
"Hindi kaya si Priam talaga ang destiny mo, girl? Maybe the universe is giving you a sign?" si Ashlan.
"Are you insulting me, Ash? I can't even imagine that! I don't like him. NOT. A. SINGLE. BIT!" matigas na sabi ko.
"Awts. That's too harsh. Ano bang ayaw mo sa kanya? He looks good, he's smart and he's a gentleman. Compared to the manwhore that you drool over."
I laughed ridiculously.
"Really Ash? Ano'ng tawag mo sa ginagawa niya sa akin? He's too harsh on me! Napakayabang niya porque SSG officer siya!" I ranted.
"E natural lang 'yon kasi trabaho niya 'yon e. Ano ka ba!"
BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...