Kabanata 17

104 7 0
                                        

Umalis nga si Priam at Tito Ryland pagkatapos naming mag usap. Hindi ko alam kung bakit kabado ako at hindi mapakali. Panay ang kagat ko sa kuko ko habang nagpabalik balik ng lakad sa loob ng kwarto namin. I feel terrified for Dale. Natatakot akong mahuli siya at makulong kahit sinasabi niyang inosente siya. I remembered his words. Those sincere eyes when he looked at me. Ramdam kong inosente talaga siya.

Nang hindi na kinaya ng konsensya ko, dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at ni-dial ang numero niya. Dalawang ring at agad niyang sinagot.

"Hello Zosia?" mahinang boses niya.

"Dale! Nasaan ka?!" mahinang sambit ko at lumapit sa bintana.

"Nasa apartment na tinutuluyan ko. Bakit?"

"Umalis ka na d'yan ngayon din!" mariing bulong ko. "Nagsagawa ang mga pulis ng entrapment operation at papunta na sila d'yan!"

"Ano?!"

Malutong siyang nagmura bago pinatay ang tawag.

Tinignan ko ang screen ng cellphone at niyakap 'yon. Hindi ko alam kung tama bang pakialaman ko 'yon pero may parte sa akin na nagsasabing tama lang 'yon. I believe that Dale's innocent. Malakas ang kutob ko.

Tahimik ang mag ama nang dumating sila kinagabihan. Parehong seryoso ang hitsura at parang binagsakan ng langit. Hindi na sila umimik hanggang mag dinner. No one dared to open that topic. Or maybe it was banned. Marahil ay alam nilang sensitibo 'yon at iniisip nila ang kapakanan ko. Kaya lang, matagal ko na ring iniisip kung ano bang kaso 'yon. Ang sabi lang ni Priam ay sensitibo 'yon kaya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya kina Dale at Andre at sa iba pang nakulong na.

Paakyat na ako ng hagdanan at handa nang matulog nang mahagip ko ng tingin si Priam na nakaupo sa sala. Nakahilig siya sa back rest at nakatingala habang nakapikit. He looked so weary. Nakaputing polo pa rin siya na nakatupi hanggang siko.

Tumikhim ako at huminto sa likod niya kaya napamulat siya at nagkatinginan kami.

"Uh, are you planning to sleep here again?" kunwaring tanong ko.

"Yes," napapaos na sagot niya.

"You can sleep in our room. Malamig dito."

Nanatili ang titig nya sa akin at hindi nagsalita.

"I-I'm not saying this because we're cool okay? Naaawa lang ako sa'yo dahil mukhang pagod ka." Nag iwas ako ng tingin.

"I'm fine here. If it makes you uncomfortable to-"

"No I'm fine." I cut him off and looked at him. "Just sleep there. Ayos lang." Humakbang na ako at umalis.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagsunod sa akin.

"How's the operation anyway?" tanong ko nang mabuksan ko na ang pintuan.

"We failed. He got away before we get there," aniya at isinara 'yon.

Nagkatinginan kami.

"I-Is that so?"

"Yes. Ang hula ng mga pulis, may nagtip sa kanya," aniya habang mariin akong tinitignan.

Napalunok ako at dumiretso na sa kama. Naupo ako ro'n at kunwaring nag aayos ng unan.

"T-Talaga? Nasan na daw siya ngayon?" tanong ko nang 'di sya nililingon.

"Hindi pa namin alam. Malamang nagpakalayo layo na," seryosong boses niya.

Sinulyapan ko siya at nakitang nanatili siyang nakatayo doon.

"Priam, ano bang kaso 'yon? Why does it involves me? Ano bang ginawa nila sa akin?" kuryosong tanong ko.

Seryoso niya akong tinignan pero hindi naman umimik.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon