Kabanata 23

94 8 0
                                    

"Ano ba naman 'to, Zosia?! What's with these grades?! Bakit puro panungkit?!" Dismayadong ibinaba ni mommy ang report card ko.

Ngumuso ako at yumuko. Itinago ko na nga 'yon pero nahanap niya pa rin. Alam ko namang medyo mahina ako sa klase dahil puro barkada ang inaatupag ko pero nag aaral naman ako e. 'Yung utak ko lang ang may ayaw.

"What have you been doing these days? Bakit ganito na naman ang grades mo?!"

"Mom!"

"Ano? Are you cutting classes again? Para ano? Para makipag inuman?!"

Namilog ang mga mata ko nang tingalain ko siya. My parents don't know about it. Pinapakiusapan ko kasi ang mga school administrators na huwag ipaalam sa parents ko ang mga kalokohan ko. But...my mom hit me on the spot!

"Oh c'mon. Don't give me that surprising look. You thought I wouldn't know? How dare you do that, Zosia?! Hindi kita pinalaking manginginom!" Humalukipkip siya at masama ang tingin sa akin.

"But mom...nagkakatuwaan lang kami-"

"By what? By cutting classes? Ilang beses ka na bang na-detain, huh? Five times?! At ito? Katuwaan pa rin ito sa'yo?" Mariing hawak niya ang report card ko.

I pursed lips and bowed a bit. Pinag away ko ang mga kamay ko dahil nahihiya ako sa kinalabasan ng grades ko. Marahas siyang bumuga ng hangin at dismayadong ibinaba 'yon.

"I think I should tighten my grip on you. Hindi maganda ang idea ng dad mo na luwagan ka. Now look what happened."

My lips parted and glanced at her immediately.

"Mom...w-what do you mean?!" kabadong tanong ko.

Malamig na titig ang iginawad niya sa akin.

"From now on, you'll be listening to me. You understand?" seryosong sambit niya. "No more cutting of classes. No more bonding with bad influential friends. You'll be grounded for a week. Bawal ka nang lumabas nang 'di ko nalalaman."

"Mom!" protesta ko.

"No more gala. No more alak. Naiintindihan mo?!"

Nakaawang pa rin ang bibig ko at napapailing sa mga sinasabi niya sa akin. Compared to dad, my mom is more strict. Lalo na sa pagdating sa academics. She hates low grades. Kahit no'ng si Kuya Radcliff ang nag high school ay bantay sarado ang mga grades nito.

"Mom, that's not fair!" pag angil ko. "Nag aaral naman ako e."

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin.

"Nag aaral ka pa sa lagay na 'to?" Pakita niya sa report card na hawak niya.

Hindi ako nakaimik at ngumuso na lang. Pairap niyang tinanggal ang tingin sa akin at dismayadong bumuntong hininga.

"I'm not asking you to be on top of the class. Ang sa akin lang, ayusin mo naman ang pag aaral mo. What have you been doing ba? Do you have a boyfriend? Kaya nadidistract ka?"

"Of course I don't have mom!" Kumunot ang noo ko.

"So why are you distracted?"

"W-Wala lang po. I just..." hindi ako makahanap ng rason.

Wala lang talaga kasi akong balak mag aral. Tinatamad ako lagi.

"Then you left me with no other choice. Akin na ang phone mo." Naglahad sya ng kamay.

"Mom." Masama ang tingin ko sa kanya.

"Give me your damn phone, Zosia Lithuise!" she warned.

Wala na akong nagawa kundi ibigay 'yon sa kanya. I know my mother so well. I know when she's truly mad and I don't want to push her button. She could raise hell if I do that.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon