Bumisita ako kay Dr. Ganza kinabukasan para ipaalam ang progress ng sakit ko. Hindi ko na sinabi kay Priam at nagpaalam na lang na bibili lang ng mga kakailanganin ko sa baking.
"Gaya nga ng sinabi ko dati, your case which is retrograde amnesia is usually temporally graded, which means that your most recent memories are affected first and your oldest memories are usually spared. Paunti unti mo 'yang maaalala. From your childhood to adolescence. It usually retains. Kaya normal lang 'yan," paunang bungad niya sa akin.
"Pero ang sabi ni Priam sa akin my memory loss usually involves facts rather than skills. Kaya lang, bakit hindi ko na magawang magbake nang maayos?" I asked confusedly.
Inayos ng matanda ang salamin niya at matamang tumingin sa akin.
"The extent of this condition can vary significantly prior to the injury. Isang taon pa lang naman ang nakalipas and it's only normal to forget things every now and then. You still had the skills but your brain isn't fully healed. Sometimes you tend to forget things while working on it. That explains why you lost your way on driving home and having trouble in baking."
Tinitigan ko siya at napalunok.
"So you mean, while I'm not fully healed, I won't be able to bake again?"
Tinitigan niya ako.
"We can't say that. In some cases someone with this condition may or may not be able to make new memories and learn new skills again. However, I believe you can bake again Mrs. Esquivel. So don't give up." He smiled a bit.
Napabuga na lang ako ng hangin. Walang kasiguraduhan ang lahat. Nagbalik na nga ang ilang alaala ko pero ang isipin na hindi na ako makakabalik sa dating ako ay nakakalungkot.
He advised me not to take it in a hurry. Gaya ng sabi ni Priam sa akin, hayaan ko lang daw na kusa itong bumalik pero hindi naman nila magarantiya na babalik pa ito. Hindi ko alam kung saan ako kakapit.
Lumabas ako ng clinic niya at dumiretso na sa parking lot nang may lalaking humarang sa akin. Namilog ang mga mata ko nang matandaan kung sino ito. It was the mysterious guy I met in the art gallery. Like the usual, nakasuot siya ng ballcap na itim, leather jacket at jeans.
"Zosia!" he called.
Hindi ako nakaimik sa gulat. Hindi ko akalaing magkikita pa kami.
"Ma'am Zosia! Hoy sino ka!" si Mang Norman na bumaba ng SUV namin.
Itinaas ko ang kamay ko para pigilang lumapit si Mang Norman sa amin.
"I-It's okay, Manong. I-I know him," I lied.
Napahinto naman siya at nag aalangan pang tumingin sa lalaking nakatalikod sa kanya. I looked at him and smiled reassuringly. Umatras naman siya pero nanatili ang tingin niya sa amin.
"Please let's talk, Zosia!" tarantang sabi nya.
"Okay, pero hindi dito. Let's reserve a table."
Tumango siya at tumingin sa paligid. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko dahil maaaring mapahamak ako pero hindi naman siguro masamang may malaman ng kaunti.
Dumiretso na ako sa sasakyan at sumunod naman siya. Pumasok ako sa front seat samantalang nasa likod ang lalaki. Panay ang tingin ni Mang Norman sa rear view mirror na parang dudang duda sa lalaki habang nasa byahe kami. The man tries hard to hide his face and I don't know why. He probably knows our driver and he may be afraid he'll be recognized.
"Mang Norman, eyes on the road," sita ko na dahil habang tumatagal, tumatagal din ang titig niya rito.
Hindi na uli siya tumingin sa likod pagakatapos kong sabihin 'yon.

BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...