I woke up late the next morning coz of too much overthinking again. Kasama na sa iniisip ko ang plano ko. How do I start, where do I begin. Honestly I'm still clueless. I don't know how would I bring it up to them. Alam ko naman kasing tututulan lang nila ito. However, I'm determined. Kailangan nang matapos ito.
Nasa sala na ako at naglalakad nang malingunan ko ang sofa kung saan natulog si Priam kagabi. Wala na ang kumot doon at wala na ring bakas na may natulog nga doon.
"Manang where's, Priam? Umalis na ba?" Tumigil ako upang magtanong sa kasambahay na naglilinis doon.
"Opo ma'am. Maaga po siyang umalis."
"So... naabutan niyo ba siyang natulog dito kagabi?" Turo ko sa sofa.
Tinignan niya 'yon bago tumingin sa akin.
"Ah opo."
Oh. So that means hindi siya lumipat sa guest room.
"May guest room naman ah? Bakit niya mas piniling matulog dito?" bulong ko sa sarili.
"Uh. Nirerenovate po 'yung guest room, ma'am."
Napabaling ako sa kasambahay na matamang nakatingin sa akin.
"Under renovation? Kailan pa?" takang tanong ko.
"No'ng isang araw pa po."
"Oh..." tanging nasabi ko at tinignan ang itaas ng hagdanan.
I didn't know that. Ibig bang sabihin no'n gabi-gabi siyang dito matutulog sa makipot na sofa? I swallowed hard because of guilt. Parang sumusobra na yata ako. Pero hindi ko naman alam 'yon!
Pumikit ako nang mariin at dumiretso nalang sa kusina para mag almusal. Maybe I could talk about it with him. Nasa bahay pa rin nila ako at hindi naman tama na siya pa ang mawalan ng kwarto. I texted him to ask if we could meet to talk. I know he's busy and I can always text him what I wanted to say but at least I want to say it personally. Para na rin makapagtanong ako tungkol sa progress ng mga documents na darating.
After I texted him my concern I received a call from an unknown number. Kumunot ang noo ko at ni-swipe 'yon.
"Hello?" pambungad ko.
"Zosia, si Dale 'to. Nasaan ka? Kailangan natin mag usap," boses ng lalaki sa kabilang linya.
Dale?
Hindi ako nakaimik kaya nagpatuloy siya.
"Please, magkita tayo. May sasabihin akong importante sa'yo," ramdam ang kaba sa boses niya.
Ilang sandali akong natahimik at nag isip ng p'wede kong sabihin. I don't know who's Dale but somehow it intrigues me.
"Okay sige. I'll text you the address," kalmadong saad ko.
"Salamat," aniya bago patayin ang tawag.
Tinitigan ko ang screen matapos 'yon.
Sino'ng Dale kaya 'yon? At ano ang pag uusapan namin?
Hindi ko na tinapos ang pagkain at mabilis na akong naligo at nagbihis. I'm aware that this is a high-risk move of me coz I don't remember anything but I just can't sit back here and relax without killing my own curiosity.
Gaya ng dati, para sa proteksyon ko, sa isang heavily guarded restaurant ako nagpa-reserve ng table. Pinili ko ang lamesang nahahagip ng CCTV para na rin may ebidensya kung sakaling may mangyaring hindi maganda.
Kakaupo ko pa lang doon nang mahagip ng tingin ko ang isang lalaking pumasok sa restaurant at nagpapalinga linga sa paligid. Naka-ball cap itong itim, itim na T-shirt at jeans din. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang dumiretso sa akin.
BINABASA MO ANG
One Single Memory
Roman d'amourFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...