Kabanata 1

133 12 1
                                    

The suspicious guy clouded my head as we go back in the mansion. Paulit ulit kong inisip kung sino ba 'yon at kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya sa akin pero wala akong mahanap na sagot.

I wanted to ask Cassie but I'm afraid it would make an impact. Paano pala kung confidential 'yon at kami lang dapat ang makaalam? Ang sabi niya wala siyang kasalanan at hindi niya ako ginawan ng masama. Gusto rin niyang tulungan ko siya at sasabihin niya kung sino ang utak ng plano? What does he mean by that?

Was there a case happened in the past?

"Huy Zosia, nakikinig ka ba?"

"Hm?" Napabaling ako kay Cassie na minamanipula ang cellphone.

"Ang sabi ko, what do you think of the first painting you've sold?"

"Okay naman," tipid na sagot ko at tinitigan ang tv na nakabukas.

"Really. Parang hindi ka naman masaya. Is there something wrong?"

Katahimikan ang bumalot sa amin at matagal bago ako sumagot.

"Did I file a case against someone Cassie?" I asked without looking.

"Case?" Sumulyap siya sa akin.

"Yes. May sinampahan ba ako ng kaso noon?"

Hindi siya sumagot agad kaya nilingon ko siya. Mataman niya akong tinignan.

"Wala naman. Bakit mo naitanong?"

Nag iwas ako ng tingin at lumunok. "Wala. I'm just curious."

Now I'm confused. Why would the guy tell me that?

Buong gabi kong inisip kung sino ang lalaking 'yon at tuwing pipilitin ko ang sarili ko ay sumasakit ang ulo ko. Instead, I did a research about me. How funny it is to stalk my own life.

Matunog akong nagtitipa sa laptop ng paulit ulit tungkol sa kaso o may kaso ba ako pero wala akong makitang resulta. Pindot bura ang ginagawa ko at habang tumatagal ay dumidiin ang pagtitipa ko. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Priam. Nagkatinginan kami saglit bago ko isinara ang lahat ng tabs at itinira ang facebook.

"It's late. You're still up. What are you doing?" Tinabihan niya ako sa couch.

"Uh. Facebook?"

He looked at the screen and sighed.

"Staying up late is not good for you. Matulog ka na," aniya at isinara ang laptop sa kandungan ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin. He's still in his black coat and tie.

"Kumain ka na ba? Maghaha-"

"It's okay." He prevented me from standing. "Magpahinga ka na, Zosia."

Nagkatinginan kami. He looked weary and stressed. Lumabi ako at unti unting inalis ang coat niya. He let me. His eyes never left me while I was doing that. Nang maalis ko 'yon ay isinunod ko ang necktie. Hindi ko siya matignan. I feel guilty for having no feelings. Asawa niya ako at dapat lang na pagsilbihan ko siya pero alam ko sa sarili kong hanggang doon lang 'yon. Para sa akin, mag asawa lang kami sa papel.

Sinulyapan ko siya matapos kong matanggal ang necktie niya.

"Kumain ka na para makapagpahinga ka na rin," mahinang sabi ko at tumayo na.

Dumiretso na ako sa kama at tinabunan ng kumot ang sarili bago ko siya tinalikuran. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at wala nang sinabi pa.

Kinabukasan sumama uli ako kay Cassie sa Nova, nagbabaka sakaling makita ko uli 'yong lalaki. I wanted to know what he meant by without mentioning my memory loss. He's clueless. I wonder how the Esquivels hid it to people or maybe only a few knows about it.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon