Malakas na hiyawan ang bumalot sa buong gymnasium. Kanya-kanyang cheer ang mga estudyante sa manok nilang kupunan. Nakabibinging tilian at pagwagayway ng mga balloons at pompoms ang makikita pero nakasentro ang atensyon ko sa isang lalaking naglalaro. Hawak niya ang bola at mabilis na tumatakbo. Nang makaapak ito sa three-point line ay bigla siyang tumalon upang subukang ipasok ang bola. Humiyaw ako nang malakas at nagtatatalon sa tuwa nang pumasok ito.
"We won! Hooo! Nanalo tayo!"
"Yes! Wuhooo!"
"Nanalo tayo Zosia!" Matamis na ngumiti si Cassie sa akin at nagyakapan kami habang nagtatatalon.
"Oo nanalo tayo! I knew it!" masayang sigaw ko at dali-daling bumaba ng bleachers.
Hinawi ko ang lahat ng mga taong madaanan ko para salubungin ang lalaking kanina ko pa tinitignan.
"Hi! Congrats!" masayang salubong ko sa kanya.
"Thanks!" Ngumisi siya at kumindat sa akin.
Kinuha ko naman ang towel sa kamay niya at tumingkayad ako para punasan ang pawis niya sa mukha.
Ang gwapo niya talaga.
Ngumisi pa ako nang malawak at ganoon din siya sa akin.
"Why so sweet, Zosia?" Ngisi niya.
Para akong nahihilo sa bawat pagngiti niya sa akin. It looked like the world suddenly stopped and all I can see is his handsome face.
"Zosia?" he called.
"Hey, Zosia."
"Zosia."
"Zosia."
He kept on calling my name while he was slowly fading away. I tried to hold him but he kept on drifting.
"Zosia."
"Zosia."
"Wait! Teka sandali. Saan ka pupunta?!" sabi ko at pilit siyang hinahabol.
Napatingin ako sa mga paa kong gumagalaw pero nasa pwesto pa rin.
"Zosia."
"Sandali lang!"
"Zosia."
"Hintayin mo 'ko!"
"Zosia!"
"Zosia!"
Nakaramdam ako ng pagyugyog sa akin.
"Sandali!" sigaw ko at biglang napamulat.
Taas baba ang paghinga ko habang nakatitig sa madilim na kisame.
"Zosia, you're dreaming again."
Napalingon ako kay Priam na nakaupo sa tabi ko. Malakas at marahas pa rin ang tibok ng puso ko habang nakatitig kay Priam. Pinilit kong umupo kaya inalalayan niya ako. Inilagay niya ang mga takas na buhok ko sa likod ng aking tainga at pinunasan ang tagaktak na pawis sa aking mukha.
"Ano'ng napanaginipan mo?" mahinang tanong niya.
Umiling ako at nag iwas ng tingin. Kailanman hindi ko pa sinabi sa kanya ang tungkol sa misteryosong lalaki sa panaginip ko. Hindi ko alam pero natatakot ako. May takot sa puso ko kapag natanto ko ang dahilan kung bakit ko siya napapanaginipan.
Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko.
"Kukuha lang ako ng tubig," paalam niya at umahon na sa kama.
Kumalma na ako matapos kong uminom. Bumalik na rin kami sa pagtulog at sinubukan kong matulog ulit at nagbabaka sakaling madugtungan ang panaginip na 'yon pero dumating ang umaga na wala ni isang panaginip ang dumalaw sa akin.

BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomansaFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...