Kabanata 16

88 10 0
                                    

Nanatili akong iritado hanggang sa pag uwi namin ni Priam. Dagdagan pa ng pangisi ngisi niya sa hindi malamang dahilan. Nakapalumbaba ako at nakatingin sa kalsada nang masulyapan ko na naman siya. Nag second look ako sa kanya at hindi ko na napigilang punahin.

"Will you stop that, Priam?!" pagsusungit ko.

Hindi pa nga ako nakaka-move on doon sa eksenang nangyari tapos heto siya at nginingisihan pa niya ako.

"Stop what?" inosenteng tanong niya sabay ngisi na naman.

"You're smiling like an idiot. Kanina ka pa ah?! Ano'ng nakakatawa?!"

He chuckled and smirked more.

"Tinatawanan mo ba 'yung ginawa ko?!"

"What? No." Sumulyap siya sa akin saglit. "Actually, I find it cute. Talagang ipinagsigawan mo na asawa mo ako, Zosia. Do you know how overwhelming is that?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"H-Hoy! Hindi ko naman gustong gawin 'yon 'no?! Ginawa ko lang 'yon dahil naiirita ako sa ginawa nilang pagpipila sa likuran mo." Bumaling ako sa bintana at bahagyang namula.

"So? Hindi ba dapat problema na nila 'yon kung gusto nilang matagalan?"

Nagpoker face ako nang bumaling sa kanya. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada, may multo ng ngiti pa rin sa labi.

"Hindi mo ba talaga nagegets? Ikaw ang pinipilahan nila! 'Yung iba nga walang basket e!"

"Really?" inosenteng baling niya sa akin.

Inirapan ko siya at humalukipkip.

"E ano kung ako ang pinipilahan?" He chuckled again. "Nagseselos ka?" He narrowed his eyes. "I bet yes. Kaya ganoon na lang ang reaksyon mo kanina."

Suminghap ako at hindi makapaniwala.

"Excuse me 'no?! FYI. Hindi ako nagseselos! Sinita ko lang sila kasi hindi tama ang ginagawa nila. Nakakaperwisyo kaya sila."

"Ah-huh."

"Priam!" I called frustratingly.

Natawa uli siya at ginulo gulo ang buhok ko.

Hindi ko alam na ganoon kabilis kami nagkaayos. Kahit na iritado pa rin ako sa kanya ay 'di ko mapigilang hindi siya kausapin. Parang may kung ano sa loob ko na nagdidiktang normal na lang ito sa amin. Na parang ang tagal na namin itong ginagawa noon pa man. Na hindi na ito iba sa amin at parang sanay na sanay na kami sa ganito.

Kinabukasan pinatawag kaming dalawa ng mga magulang niya sa study room dahil sa mga dokumento nang dumating. Ang sabi nila, kahapon pa 'yon dumating ngunit wala kami kaya ngayon lang namin ito mabubuksan. Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa dibdib ko at hindi ko alam kung para saan. Kung para ba sa katotohanan o kasinungalingan.

"Hindi ko pa ito binuksan. Ikaw na ang magbukas, hija," seryosong boses ni Tito Ryland sabay lahad sa maliit na package.

Naka-tape pa nga ito at selyadong selyado pa. Alam kong sinabi kong huwag nilang subukang i-tamper ito kaya gano'n na lang ang salita niya sa akin. I have these doubts in my head but somehow I can't imagine they can betray me.

Kinuha ko ang package at binuksan 'yon. Katahimikan ang bumalot sa silid at tanging pagpupunit ko lng sa plastic ang maririnig. Nang mabuksan ko na ay sinilip ko muna 'yon sa loob bago tumingin kay Tito. Kinuha ko ang mga papel at isa isa nang binuklat. Una kong nakita ang mga personal documents ko kasunod no'ng kay Priam. Pagkatapos ay ang parents' consent. At ang huli ay ang papel na tinutukoy ko. Ang papel na nag uugnay sa aming dalawa. Ang aming marriage certificate.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon