"Zosia! Zosia, wait!" boses ni Cassie sa likuran ko.
Pinalis ko ang mga luha ko habang mabilis na tinatahak ang pasilyo.
"Zosia, sandali lang!"
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin at padarag na inalis ang suot na apron at pabatong itinapon ko 'yon sa sahig bago bumaling kay Cassie na sumunod sa akin sa loob.
"How dare him! How could he do this to me, Cassie!" tumaas ang boses ko.
"Look, calm down-"
"How can I calm down?! Niloko niya ako! Niloko niya tayong lahat!" I spat angrily.
"Zosia, hindi naman siguro-"
"Ano'ng hindi, Cassie?!" pagputol ko ulit sa kanya. "I heard them talking. He clearly told your dad that we don't have a marriage certificate! What is that supposed to mean?!"
She looked at me gently and grabbed my arm.
"Zosia, we haven't still heard his side. Ang sabi niya kanina meron."
Nagtiim bagang ako at hinawi ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Sinabi niya 'yon para pagtakpan ang una niyang sinabi!" Iniwanan ko siya at dumiretso ako sa walk-in closet ko.
I pulled out my luggage and opened it.
"Zosia, what are you doing?!" Si Cassie na sumunod sa akin.
"I wasn't supposed to be here from the very first place. Kalokohan ang lahat ng ito!" I said as I start to pack my clothes.
"What?! Aalis ka?! Zosia, hindi mo kailangang gawin 'to!" Inagaw ni Cassie ang mga damit na hawak ko at tinitigan ako nang masama.
Tinitigan ko rin siya nang masama.
"We can talk about it. I'm sure Kuya Priam has an explanation to this! You don't need to leave."
"Wala nang pag uusapan dahil alam ko na ang totoo, Cassie!" Inagaw ko sa kanya ang mga 'yon at inilagay sa maleta. "I had a feeling then that this set up was fake! I didn't like him from the start so I was surprised I'm married to him."
"Zosia-"
"Enough, Cassie!" Tumayo ako at hinawakan ang maleta. "Huwag mo nang ipagtanggol ang kuya mo! Niloko niya ako. Pinalabas niyang mag asawa kami kahit hindi naman! And that's unforgivable!" Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa pintuan.
"Zosia!"
"Zosia, wait! Please don't leave. Let us talk about it."
Hindi ko na siya pinakinggan at dere deretso nang bumaba ng hagdanan.
"Zosia sandali-kuya! She's leaving!" Baling niya kay Priam at Tito Ryland na nasa sala.
"Zosia! Where are you going?" Mabilis na nakalapit si Priam sa akin na kakababa lang niya ng tawag.
Tinignan ko siya nang masama.
"Aalis na ako! How dare you fool me like this Priam?!" mariing sambit ko.
"I didn't fool-"
Sinubukan niyang kunin ang maleta mula sa akin pero iniiwas ko 'yon.
"Liar! Huli ka na nga, dinedeny mo pa!"
Lumamlam ang kaninang seryosong mga mata niya. Sinubukan niya akong hawakan ngunit lumayo ako.
"Zosia-"
"This is enough, Priam!" bahagyang tumaas na naman ang boses ko. "You took advantage of me! Bakit?!"
"I never did that. Please listen to me first."
BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...
