Kabanata 20

89 8 0
                                    

The scene that happened last night clouded my head kaya hindi ako masiyadong nakatulog. Samahan pa ng halik niya. It was my first time being kissed by him without memories and it feels...strange. Mas lalo tuloy gumulo ang isipan ko. I don't know why I'm torn between leaving and staying. Pero gaya nga ng sabi ko, Priam doesn't deserve me. He has given a lot. Kahit pa sinabi niyang wala siyang pakialam kung maubos siya, hindi ko naman kaya at hahayaang mangyari 'yon sa kanya. Not in this lifetime. Not ever.

Isang katok mula sa pintuan ng kwarto ang nagpabalik sa akin mula sa pagkakatitig ko sa singsing.

"Ma'am Zosia, handa na po ang sasakyan," boses ng kasambahay sa labas.

"Sige. Bababa na ako," sagot ko.

Ngayon na ang alis ko papuntang Cebu. Where my parents reside. Ang hometown ng daddy ko. Yes. I'm going home. Finally. Kaya lang parang hindi ako masaya. This is what I wanted from the very beginning but when has it changed? Hindi ko na alam. Hindi ko maalala. However, I have to be firm with my decision. Kung ito ang ikabubuti ko at ikabubuti ng lahat.

Unti unti kong tinanggal ang wedding ring sa daliri ko at tinitigan 'yon bago nilapag sa side table kung nasaan ang pearl hair clip ko. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at hinawakan ang maleta.

Sa baba kung saan naghihintay ang pamilya Esquivel nahanap ko ang sarili. Iginala ko ang paningin habang bumababa ako ng hagdan at napansing wala si Priam. It was only the three of them. Si tita, tito at Cassie. Kasama si Tita Theresa at iilang kasambahay. Mang Norman was also there, kinuha agad niya ang dalawang maleta sa akin at nilabas 'yon.

"Tita." I turned to her.

"Maaga siyang umalis. Nagbago ang isip," sagot niya sa katanungan sa isip ko.

He'll suppose to drive me to the airport but...he changed his mind.

Tumango ako at naintindihan ko na. He's probably busy or maybe he doesn't want to see me go. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong ang naunang ideya. Less painful.

"Please take care, hija. Your brother will fetch you upon arriving at the airport in Cebu. Tinawagan ko na. We've also told your parents about it so no worries. Just talk to them when you get home. Para malaman din nila ang side mo," marahang sabi ni tita sa akin.

I nodded on her words. Tinignan ko si Tito Ryland na tahimik na nakamasid. Ganoon din si Cassie na punong puno ng pag aalala.

"Mamimiss kita, Zosia." Malungkot siyang ngumiti sa akin.

Hindi na ako nagsalita at niyakap na lang ang kaibigan. Humikbi siya at mas niyakap ako nang mahigpit. Hinaplos ko ang likod niya.

"We'll see each other again, Cassie," bulong ko.

She just nodded.

"We'll keep in touch, hija. For the progress of your... divorce papers," maingat na sabi ni tita sa akin.

Kumalas ako ako kay Cassie at binalingan siya.

"Salamat po." Words that I uttered before I left the mansion.

Sinundo nga ako ni Kuya Radcliff sa airport pagkalapag ng eroplano. Isang mainit at matagal na yakap ang ibinigay nya sa akin. He probably knows by now. Ganoon din ang parents ko nang makarating na kami sa bahay. They gave me a warm hug. Lalo na si dad. Nagtagal ang yakap niya sa akin na parang ang tagal na niya akong hindi nakita. Ramdam ko 'yon sa higpit ng yakap niya sa akin. Compared to mom, my dad is more emotional when it comes to Family Esquivel. Malapit kasi ang puso niya sa mga ito. Tita Thralaine is his bestfriend so somehow he's emotional when he heard the news of our break up and our soon divorce.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon