Kabanata 28

101 9 0
                                    

"Zosia?"

Nagising ako sa paulit ulit na pagtawag ng pangalan ko at pagyugyog sa balikat ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at bahagyang nasilaw sa mataas nang araw.

"Bakit naman dito ka natulog? Uminom ka rin ba kagabi? Ang lamig dito ah?"

Tiningala ko si Jolene na nakatayo sa tabi ko. Napakurap kurap ako at tumingin uli sa malayo.

My memories..

"Hoy babae! Tinatanong kita. Natulala ka na d'yan." Tinapik niya ang balikat ko kaya napabaling uli sa kanya.

"Nasaan na tayo?" tanong ko at iginala ang paningin.

Nakahinto na ang yate malapit sa boardwalk at sa malayo ay mga turistang nagkalat.

"Nandito na tayo. Nakababa na nga 'yong iba e. Halika na. Bumaba na tayo. They're waiting for us na," aniya at umalis na sa tabi ko.

Napabalik uli ang tingin ko sa malayong dagat. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil may sakit akong nararamdaman. Pain that I caused Priam. I know and I'm guilty of how I treated him. Alam kong hindi ko naman kasalanang mawalan ng alaala pero hindi ko maiwasang ma-guilty sa mga ginawa at ipinaramdam ko sa kanya.

I've always loved him. Even if my mind choses to forget him my heart still remembered that feeling. That explains why I get jealous when I heard he's dating...again. And the way my heart races when I'm with him, that feeling, I couldn't explain. Iyon 'yon. I love him...always. My heart remembered him.

At ngayong nagbalik na ang mga alaala ko, lalo pa itong umusbong. I feel ashamed of myself. Pinaratangan ko siya ng mga bagay na masasakit, when all he did was to understand and love me more.

Lumandas ang luha sa pisngi ko na agad kong pinunasan.

"Zosia! Halika na!" sigaw ni Jolene na nakababa na ng boardwalk.

I wiped my overflowing tears and stood up.

Mabigat ang pakiramdam ko habang nasa Oslob. There's this feeling na gustong gusto ko na siyang makita pero parang may pumipigil sa akin. Kung ano 'yon ay hindi ko alam.

"Ano ka ba, Zosia! We're here to enjoy. Bakit nag e-emote ka na naman diyan?!" Inabutan ako ni Jolene ng makakain.

Nasa dalampasigan na kami at nagpipicnic. Tinanggihan ko ang alok niya at mas niyakap ang tuhod ko.

"Baka namimiss ang asawa?" Humalakhak si Alodie.

Napasulyap tuloy ako sa kanya. Now that she mentioned it, that's probably the reason why I'm down for weeks now. Halos buong buwan yata. I couldn't seem to enjoy. It's like I'm missing something...or someone.

"Ex asawa, Alodie. Wala e. Ang tanga ng babaitang 'to. Jackpot na pinakawalan pa," pang aasar ni Jolene.

"Bakit? Divorced na ang kasal niyo ni Priam, Zosia?" sabat ni Adam.

Umiling ako habang nakatitig sa buhangin.

"Oh, hindi pa pala e. E 'di asawa pa rin niya."

"Asawa sa papel, Adam. They've broken up already," pagtatama ni Jolene. "And soon will be officially divorced."

Malalim siyang bumuntong hininga at nahiga.

"Mga kabataan talaga. Mag aasa-asawa, maghihiwalay din pala. Sinisira niyo ang kahalagahan ng marriage. Ang sabi, for better or for worst, in sickness and in health, 'til death do you part. Anyare?!" mahabang litanya niya.

"E kung wala na ngang feelings 'yong tao, bakit mo pa pipilitin? Hindi ba mas pangit naman kung nagsasama na lang kayo dahil kasal kayo at wala nang pagmamahal?" pangongontra ni Alodie.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon