Kabanata 8

69 8 0
                                    

Nagkulong ako sa kwarto ng ilang araw. Parang habang tumatagal unti unti na akong nawawalan ng gana sa lahat. What's worse than having no memories and yet can't still move on? I never talked about it with anyone. Kahit pag nagbalik na ang ilan sa mga alaala ko ay pakiramdam ko marami pang kulang. As much as I wanted to continue living my life, it sucks. The old me is haunting me.

Tinititigan ko ang mga portrait ni Axton na ipininta ko. I know it's kinda weird that I married his brother where in fact, I like him. I couldn't stop thinking about him. Paulit ulit kong iniisip kung bakit hindi kami ang nagkatuluyan. Why I ended up with Priam? Why I ended up with the man I swear I didn't even love?

Is this marriage for convenience?

"Cassie tell me, have you witnessed our marriage?" tanong ko kay Cassie habang nanonood kami ng TV sa sala isang gabi.

Ngumuya nguya muna siya sa kinakaing popcorn bago bumaling sandali sa akin.

"Marriage? Kayo ni Kuya Priam?"

Tumango ako habang nakatitig sa palabas.

"Nope. You did it privately."

Napabaling agad ako sa kanya. "Privately? Saan?"

Nagkibit balikat lang siya.

"Kuya Priam once mentioned that you did it abroad. None of your both families attended. Kayo kayo lang yata according to him."

Napaawang nang bahagya ang bibig ko.

"Do you know where our marriage certificates are?"

Sinulyapan niya ako.

"Dunno. Ask your husband. Baka itinago niya. Teka, why are you suddenly asking this, Zosia? May naaalala ka na ba?"

"Wala naman." Nag iwas ako ng tingin. "I'm just curious."

"Sus. Namimiss mo lang siya kaya ka nagkakaganyan." Humagikgik siya.

I rolled my eyes and just watched the boring drama.

"Wala bang ibang palabas? Ang boring naman niyan," reklamo ko.

"Whoa. Ayaw mo na ng Kdrama ah? Dati fan na fan ka."

Dati. Ano nga bang alam ko sa dating ako?

Bumuntong hininga ako at mas yinakap pa ang throw pillow. Kinuha naman ni Cassie ang remote at akmang ililipat nang hawakan ko ang braso niya. There was a scene that a teenage girl was playing a skateboard. And it was very familiar to me.

"Bakit?" takang tanong niya.

"D'yan na. Huwag mo nang ilipat," wala sa sariling tugon ko.

Ibinaba naman niya ang remote habang kuryosong nakatingin sa akin at kumakain.

"So ano, Sha? Susuko ka na lang ng basta-basta porke na reject ka?" tanong ng katabi kong si Billie.

Nakaupo kami sa gutter habang pinapanood ang mga lalaking nag i.skate board. Nakanguso ako habang nakayakap sa tuhod. Wala na yatang mas miserable pa sa sinabi ni Axton na may date na siya.

"Girl, huwag ka nang ma-sad d'yan. Date lang naman 'yon. Hindi naman ibig sabihin hindi mo na maisasayaw si Axton 'di ba?" si Ashlan.

"Oo nga," pag sang ayon ni Billie. "You can always ask him to dance with you."

"Pero gusto ko ako ang maging first dance niya," nakangusong saad ko.

"His mom will be his first dance ano ka ba!"

"E di second," malungkot na sabi ko.

"Second niya yung prom date niya!" pang aasar pa ni Haven.

"Haven! Hindi ka nakakatulong!" paninita ni Billie.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon