It was a typical day for all of us. Tamad na tamad akong nakapalumbaba sa upuan habang nakanguso at nakaipit ang ballpen ko doon. Ang nakakantok na history class ay nagpapalaglag ng mga mata ko. Panay ang daldal ng matandang teacher sa harap na parang nagmimisa.
Humikab ako kaya nalaglag ang ballpen sa nguso ko. Sinubukan kong kunin 'yon sa ilalim ng upuan ko nang mahinang sitsitan ako ni Evzen na nakaupo sa likuran ko. Napabaling ako sa kanya at nakita ang maliit na papel na iniaabot niya sa akin. Palihim kong kinuha 'yon at saka umayos ng upo. Binuklat ko ang libro at pinatayo upang mabasa ng palihim ang papel.
Tambayan
Napangisi agad ako at nilukot ang papel. Tumingin ako sa orasan. May labinlimang minuto pa kami. Panay ang kagat ko sa kuko at pagtapiktapik sa lamesa gamit ang daliri. Hindi na ako makapaghintay. Nang sa wakas ay magring na ang bell ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Gano'n din ang iba.
"Tara tara!" Tinapik ni Evzen ang balikat ko at kumaripas na ng takbo.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagbaling ni Cassie sa akin.
"Zosia, don't tell me you'll do it again?" may pagbabanta sa boses niya.
"Cassie, hayaan mo na ako. Nakakatamad ang mag aral e," ani ko nang di siya nililingon.
"Zosia!" pagbabanta niya uli.
Isinabit ko na ang backpack ko at tumayo.
"See ya bes." Kumaway ako at kumaripas na rin ng takbo.
Mabilis akong nakalabas sa hallway kung saan naghihintay ang mga barkada ko.
"Girl bagal mo!" reklamo ni Billie sabay haklit sa braso ko.
Isinukbit din ni Ashlan ang braso niya sa akin at tatawa tawa kaming bumaba ng school building.
"Guys! Hintayin niyo naman kami!" sigaw ni Billie sa kina Evzen, Ross, Jin at Haven na nauuna na.
"Bilisan niyo!" sigaw pabalik ni Ross.
Binilisan pa namin ang pagtakbo hanggang sa marating namin ang likod ng eskwelahan. Walang kahirap hirap na inakyat ng mga lalaki ang bakod. Si Ross ang nasa taas at nagabot ng kamay kay Haven. Nang makatawid na siya ay si Billie naman ang tinulungan niya.
"Hoy!"
Napabaling kami sa mga SSG officers na tumatakbo palapit na sa amin. Namilog ang mga mata ko at tarantang tinulungan si Ashlan.
"Shit! Nalintikan na. Bilisan niyo!" sabi ni Ross.
Nang makaakyat na siya't makatawid ay siyang paghawak ko sa kamay ni Ross ngunit nagulat ako nang may biglang dumakma sa bag ko para pigilan akong makaakyat. Namilog ang mga mata ni Ross nang tumingin sa likod ko kaya binitawan na niya ako at tumalon na.
"Ross!" pagtawag ko.
Sinubukan ko uling umakyat pero hinila niya uli ang bag ko kaya iritado na akong bumaling sa kanya. The SSG president looked at me frustratingly. Sa likod niya ay ang mga kampon niya na masama rin ang tingin sa akin.
"Ano ba, Priam! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko.
Err! He's at it again. I'm sure sinumbong na naman ako ni Cassie. This isn't the first he caught me cutting classes. Maraming beses na akong na-dentention dahil lagi niya akong nahuhuli.
Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa bag ko.
"Cutting classes again, Zosia?" kunot noong tanong niya.
Umirap ako at humalukipkip.
"So? This is none of your business, Priam."
"I'm the SSG president and this is my business. Hindi ka pa rin natututo ano? What will you do this time? Mag iinuman kayo?" seryoso ang boses niya.

BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...