Nagulat ang lahat nang sa wakas ay masabi ko na ang sadya ko. That I came here not because I wanted to sign the divorce papers. I came home because I want to tell them that my memories are back. Hindi man lahat pero malaking parte ng alaala ko iyon.
Isang simpleng hapunan ang inihanda nila para sa akin at kahit papaano naging maayos na ang lahat. I have also informed my parents and friends. They were so glad. Kahit si Dr. Ganza ay naging masaya sa unti-unti ko nang paghilom.
"Where are we going, love?" tanong ko kay Priam na nagmamaneho papunta kung saan.
Sinulyapan niya ako ng isang beses at ngumisi.
"You'll find out. Why in a rush?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin.
"E bigla-bigla ka na lang nagyayaya e."
Maaga kaming umalis ng mansyon para pumunta daw sa kung saan. I don't know what's with him. Hindi ko matantya ang takbo ng isip. Hay.
After a long hours of driving, it looked familiar when we passed by an arch which has a written name Casa Hermosa Ranch. Unti-unti kong natanto kung saan ito. It wasn't too far to remember. Ito 'yong lugar na pinuntahan namin noon. Our very first vacation together.
"Don't tell me we're going to your Uncle Frederick's ranch?" Sumulyap ako sa kanya.
Ngumisi lang siya habang nakatitig sa harap.
"Priam!" I urged him but he only smirked more.
The car slowed down for a while and stopped to an unfamiliar single storey white house in a low-pitched roofline with wide eaves. Sinulyapan ko si Priam at ibinalik ang tingin sa magandang bahay.
"What are we doing here? Kaninong bahay 'to?" Tinuro ko 'yon.
Ngumisi lang siya at pinisil ang kamay ko.
"Let's go," aniya at binuksan na ang pinto sa gilid niya.
Nagtataka naman akong lumabas at sumunod. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang bahay. It was made of white brick stones and large windows along the front of the house. The patio, front lawn and attached garage blended with the nature. Napakaganda no'n. I wonder who owns this. I was still in awe when he reached for my hand. Napabaling ako sa kanya nang hilain na niya ako papasok sa loob.
It wasn't just spectacular outside. It's interior was surprisingly amazing and beautiful too.
"Priam, kaninong bahay 'to? Why are we here?" tanong ko habang iginagala ang panigin.
"Wala ka bang naaalala dito?"
Patuloy ang paghila niya sa akin hanggang makarating kami sa likod na patio. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"What? I'm sure I've never been here."
Binuksan niya ang sliding door at nilahad ang malawak na kapatagan. Unti unting namilog ang mga mata ko nang matanto kung nasaan kami. The familiar fences of horses, cattle, poultry and pigs, ranch buildings, and equipment. I'm sure it was this place but the house...
"Ibig sabihin ito na 'yong lumang bahay na tinirhan natin dati?" nagugulat na tanong ko.
He nodded and smiled.
"Wow..." manghang bulong ko.
It's amazing how the old house turned into a beautiful house like this.
"Ser! Nand'yan na pala kayo!"
Sabay kaming napabaling sa isang matandang papalapit. Nanggaling siya sa kung saan at puro putik pa ang suot na maong na jumpsuit. Tinanggal nito ang sumbrero sa ulo at nilapat sa dibdib niya bilang pagbati.
BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...