Parang nabingi ang tenga ko sa sinabi niya dahil tila huminto na ang mundo para sa akin. The atmosphere suddenly got silent and the only thing that I could hear is my pounding heart. Nanatili ang gulat na ekspresyon ko samantalang seryosong mukha naman ang ipinapakita niya sa akin.
"A-Ano'ng...s-sabi mo?" marahang tanong ko.
Tinitigan niya ako at matagal bago siya nagsalita. Tila tinitimbang ang sasabibin.
"Ikaw. Ikaw ang babaeng gusto ko, Zosia..." he paused for a while. "Kaya sana huwag nating putulin ang kung ano'ng meron tayo. Please don't remove me in your life," marahan niyang binulong ang huling pangungusap.
Naitikom ko ang bibig ko at umawang ulit. Itinikom ko uli 'yon at lumunok.
"I...I c-can't do that. Because I...I l-like you too, Priam..." kabado at wala sa sariling tugon ko.
Nanatili ang seryosong mukha niyang nakatitig sa akin. Marahil ay iniisip niya kung totoo ba ang sinasabi ko dahil alam namin pareho kung sino ang gusto ko.
Binasa niya ang labi nya at tumitig sa lupa.
"Hindi ba si Axton ang gusto mo?" mapait na tanong niya.
"N-Noon 'yon! You know, people change. Ganoon din ang feelings."
I didn't know how I managed to say that despite my booming heart. His cold eyes lifted on me. Hindi pa rin kumbinsido.
"Stop lying, will you? Kung paraan mo 'to para asarin ako, hindi ka nakakatawa. Totoo ang nararamdaman ko-"
Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Namilog ang mga mata niya sa biglaang nagawa ko.
"I'm serious," sabi ko.
Wala nang humpay ang pagkabog ang puso ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na gawin 'yon pero kung 'yon lang ang paraan para maniwala siya ay gagawin ko. It's not our first kiss anyway.
"Totoong gusto kita, Priam."
Itinikom niya ang nakaawang na bibig at lumunok.
"Zosia." Pumikit siya nang mariin at napalunok ulit.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya," bulong niya at iminulat ang mga mata.
His hand rested below my ear and pulled me into a soft kiss. Awtomatikong napapikit ang mga mata ko at dinama ang marahan niyang paghalik sa akin. Kung kanina hindi na maawat ang pagbayo ng puso ko, ngayon pakiramdam ko maaatake na ako. His slow kisses like that of a feather is intoxicating that's why I couldn't help but to kiss back. Hinawakan ko ang panga niya at pinantayan ang mababaw at nakakaliyong halik niya.
Things move so fast like a lightning. Sa isang iglap ay naging close kami at sa isang kurap ay naging kami na. I don't know what to feel. Halo halo na 'yon. I'm excited, happy and overwhelmed but ashamed at the same time. Nahihiya ako sa pamilya at mga kaibigan ko na nakakaalam ng pagkabaliw ko sa kuya niya. And then suddenly siya na ang naging boyfriend ko. That's ridiculous alright. But what can I do? Hindi ko na mapigilan ang pagtibok ng puso ko sa kanya. Kung paano ko i-eexplain ito sa kanila ay hindi ko alam.
"Priam, can I ask a favor?" tanong ko habang marahan kaming naglalakad sa sidewalk pauwi at hawak kamay.
"Hm?" Sinulyapan niya ako.
"Can we keep it a secret for now?" marahang wika ko.
Natigil siya paglalakad at ganoon din ako. Mataman niya akong tinignan.
"Why do you want to keep our relationship a secret?" seryosong tanong niya.
Naglalaro ang mga mata kong nakatitig sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/254686577-288-k400585.jpg)
BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...