Kabanata 22

96 7 0
                                    

"Uy! Cake ba 'yan? Sino'ng may birthday?!" puna ni Cassie sa dala-dala ko.

Mag gagabi na nang pumunta ako sa mansyon nila para sana ibigay 'tong pinaghirapan kong i-bake.

"Yep! I baked it. It's for Axton. Nand'yan ba siya?" masayang tanong ko.

"Wow. Marunong ka pala magbake?"

I proudly nodded and smiled.

"Where's Axton?" Sumulyap ako sa likod niya.

"Uh hindi siya umuwi e. Nasa Manila pa. Pasok ka muna." Niluwagan niya ang pintuan at iminuwestra ang sala.

Bahagyang napawi ang ngisi ko doon. I was expecting him tonight but I guess it wasn't my lucky day.

"Nandoon kaya siya sa condo niya?" tanong ko kay Cassie na umupo na sa sofa.

Nanatili naman akong nakatayo dahil wala akong balak magtagal. Wala naman kasi dito 'yong taong kailangan ko.

Cassie shrugged at my question. Instead, she grabbed a magazine and started reading.

"Baka he's with friends. Alam mo naman 'yong si kuya. He'll die if he can't go out."

Lumabi ako at bahagyang yumuko. Tinignan ko ang cake na dala ko.

"Have you tried calling him?" tanong niya nang 'di lumilingon.

"Yes but he's not answering my calls." Sumulyap ako sa kanya.

"Maybe he's busy."

Suminghap ako at bumuga ng hangin.

"Puntahan ko na lang siya condo niya. Baka maabutan ko pa."

Saka pa lamang siya nag angat ng tingin sa sinabi ko.

"You sure? What if wala siya do'n?"

"It doesn't matter. Uuwi na lang ako kung gano'n ngang wala siya."

Mabilis kong nilisan ang mansyon para puntahan si Axton. Hindi naman kalayuan sa university na pinapasukan niya ang condo unit kaya madali lang itong hanapin. I pressed the right floor of his unit when I finally entered the lift. Nang bumukas 'yon ay lulukso lukso akong dumiretso na sa pintuan ng unit niya at nag door bell. Sa unang tatlong door bell ay walang sumagot kaya naman kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe.

Me: Axton, nasa labas ako ng unit mo. May dala ako para sa'yo. :-)

I smiled when I send it. Ibinulsa ko ang cellphone at humilig sa dingding. Sinulyapan ko ang dalang cake na ginawa ko pa ng buong puso. My mom taught me how to bake coz she's a pastry chef. Bata pa lang ako tinuruan na niya ako. I started with cupcakes and then now cakes for all occasions. Pero itong dala ko ngayon ang kauna unahan kong ni-bake. And I want him the first person to taste it. Special kasi ito sa akin. For me it's another achievement. A milestone kumbaga.

Halos tatlumpong minuto na akong upo tayo sa labas ng unit nya ngunit kailanman hindi bumukas ang pintuan. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang door bell na ako. Is he really out?

Ni-dial ko ulit ang numero nya pero nag riring lang ito. So I decided to leave a message again for the nth time.

Me: Axton answer your phone please? May ibibigay lang ako. :-(

Bumuntong hininga ako pagkatapos i-send 'yon. Bumagsak ang likod ko sa malamig na dingding at bahagyang pinanghinaan ng loob. Ganon ba talaga niya ako hindi kagusto? I know he doesn't like me. Inamin na niya 'yon sa akin ng ilang beses pero umaasa pa rin akong kahit papaano mababago ko ang isip niya.

Unti unti akong dumausdos pababa at napaupo sa sahig, hawak ang cake nang mahigpit. Maya maya pa'y narinig kong bumukas ang lift at magkakasunod na tunog ng takong ang papalapit sa kinaroroonan ko.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon