"Anak may problema ba? Ayaw mo ba 'yang pagkain?" puna ni mommy sa breakfast na nakahanda.
Tumigil ako sa paglalaro ng pagkain at sinulyapan siya.
"Oh my... You look stressed. Ilang araw ka nang ganyan ah? Parang matamlay ka. May nangyari ba?" she asked again.
Hindi ako umimik.
"Zosia," si dad naman ang tumawag.
Napabaling ako sa kanya at napabuntong hininga.
"I'm fine dad, mom. Maybe I'm just bored." Ginalaw galaw ko ang pagkain na wala naman akong balak kainin.
Nasulyapan kong nagkatinginan ang dalawa.
"I'm going to our cake shop today. Would you like to come?" she offered.
Umiling ako, nakatitig pa rin sa plato.
"How about inviting your cousins here? Magswimming kayo o kaya maglaro kayo ng video games o board games. Or maybe a little chit chat."
Umiling uli ako sa mga suhestiyon niya.
"How about shopping then? Or party at night sa paborito mong bar?"
"Mom." Tumigil ako at sinulyapan siya. "Wala akong gana sa mga ganyan. Maybe I just need a rest."
"A rest? E halos araw-araw ka na lang nakakulong e," pag angil niya na agad sinaway ni dad.
"Just let her, hon. Maybe she's just emotionally tired," sabay sulyap ni dad sa akin kaya nagkatinginan kami.
Ako rin sa sarili ko ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para na akong biglang nawalan ng gana sa lahat. I should be enjoying my new life now since ito naman ang gusto ko but why does I still feel empty. Parang may kulang pa rin.
Hindi naman siguro dahil ito sa nalaman ko 'di ba? Priam who's reportedly dating isn't a big deal to me. Ang akin lang naman ay dapat hintayin muna niyang mapawalang bisa ang kasal namin bago siya lumandi. Tsk. Of course I'm thinking about our reputation too. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao 'di ba? Na ang bilis niya naka move on? Ha!
The following week my cousins visited me at alam ko na kung sino ang may pakana. Niyayaya nila akong pumunta ng Oslob para sa isang linggong bakasyon. Oslob is an island na malapit lang dito sa Talisay. Naalala ko dati na lagi kaming pumupunta doon ng pamilya ko para bisitahin ang pamilya Esquivel. Mom once told me that Tita Thralaine has lived there alone. When she was at my age. Kaya second home na nila 'yon.
Tumanggi akong sumama dahil si Priam na naman ang maaalala ko kapag pumunta ako doon. Our memories when we were younger. Kahit na hindi naman magaganda 'yon dahil puro lang kami bangayan. Halos sasabog na sa sakit ang ulo kapag naaalala siya kaya naman tumanggi ako. I don't want another stress.
"Ano ka ba naman, anak?! Why did you refuse?! It was the best time for you to relax. Para kahit papaano gumaan ang pakiramdam mo. Bakit ayaw mong magbakasyon?" si mommy nang malaman ang nangyari.
"Mom, I said I'm fine here," tamad na sabi ko habang nililipat lipat ang channel ng TV.
Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.
"You know that I'm starting to worry about you. Mula non'g dumating ka dito parang nawalan ka na ng gana sa lahat. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? I can provide everything that you need."
"I'm fine. Don't exaggerate things, mom. Wala lang akong magawa."
"But there's so much to do here in Cebu! Why don't you explore? Gaya ng dati."
"Mom."
"C'mon, anak. There's so many ways to move on. Don't lock yourself here."
Sinulyapan ko siya. The reason why, were the words she said. Ways to move on. Yeah, maybe I should move on too. Nagawa na nga ni Priam e. Papatalo ba ako?

BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...