Kabanata 19

86 10 0
                                    

Tulala ako sa singsing na nakalagay sa daliri ko. Our wedding ring. It's been days since that argument at hanggang ngayon hindi na kami nagkakausap ni Priam. He was always out. Kung darating man, gabing gabi na at sa guest room na natutulog. Nasabi na rin niya sa parents niya ang tungkol sa pinapaayos kong divorce papers namin.

"A-Are you really sure about your decision, hija? B-Baka naman naguguluhan ka lang o baka kailangan mo pa ng panahon para pag isipan 'to?" si tita nang minsang kausapin niya ako.

Puno ng pag aalala ang mukha niya. Bumuntong hininga ako at tinitigan siya.

"Sigurado na po ako," pinal na sabi ko.

"Is it because of that Dale? Dahil sa pagkakadakip niya?"

Umiling ako at tinitigan ang mga kamay.

"Dale has nothing to do with this matter, tita. Oo galit ako dahil pinakulong niya si Dale pero hindi 'yon ang main reason. Naging trigger lang 'yon para mailabas ko ang kinikimkim na galit ko sa anak ninyo."

"And what's that anger for? Ano bang naging kasalanan ni Priam sa'yo?

Napabaling ako sa kanya at bahagyang natigilan. Ano nga bang kasalanan niya? Wala. Wala siyang kasalanan. It's just me. It's me who can't stay in our marriage. So I'll be the one to blame in everything.

"Wala siyang kasalanan, tita. It's just me. I think I needed freedom. I don't think I can stay in a marriage without love. Para na rin akong si-net-up sa isang arranged marriage. At ayaw ko no'n," mahinang saad ko.

Bumuntong hininga siya at hinaplos ang kamay ko.

"I understand your situation, hija. Pero may chance pa namang bumalik ang mga alaala mo. Maghintay muna tayo," pakiusap nya.

Binalingan ko siya at tinitigang mabuti.

"I'm not saying this because Priam is my son but I'm only concerned about you too. What if one day, your memories will come back and it's too late. Baka pagsisihan mo 'tong desisyon mo."

Naisip ko rin 'yon actually. Pero buo na ang desisyon ko. Kung gano'n man ang mangyari, wala akong pagsisisihan. I just did the right thing. Not only for myself but also for Priam. He doesn't deserve a wife who doesn't remember him. Who doesn't acknowledge him.

"I won't regret my decision, tita. Priam deserves more," tanging nasabi ko.

Though it's not my wisest decision, I think it's the best. Lahat sila ay nagulat sa desisyon kong ito. Pati si Cassie na nasa bakasyon ay biglang umuwi para lang pigilan ako.

"Please Zosia, don't do this to kuya. Pag isipan mo naman nang mabuti 'to oh..." kompronta niya sa akin isang araw.

Tanging pag iling ang nagawa ko.

"Kuya loves you so much, isn't that enough for you to stay? You'll probably learn to love him... again." nakikiusap na tinig niya.

"Hindi pinipilit ang pagmamahal, Cassie. If you were tangled in a relationship that's against your heart, do you think you can survive? Maybe for some people love can be learned but not for me, Cassie. That's not the case for me."

Unti unting bumagsak ang balikat niya at malungkot akong tinignan.

"Pero..."

I sighed to stop her words.

"I'm sorry. Sorry kung naaapektuhan ka sa desisyon ko. If you think that it's selfish then so be it. Kaya lang buo na ang desisyon ko. Makikipaghiwalay na ako kay Priam."

Tulad ni tita at tito ay wala na ring nagawa ang bestfriend ko. Though I assured her that nothing will change between us. Kung ano kami at ang relasyon namin bilang magkaibigan ay labas na 'yon sa isyu namin ng kapatid niya. I assured her that our friendship will remain.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon