I can't believe it. I can't believe I remembered some of my childhood memories. My first meeting with the Esquivels. Naaalala ko na. That what exactly happened years ago. That's how Priam and I met.
Nanatili ako sa Cebu ng halos isang linggo hanggang sa sunduin na ako ni Priam. Now that I remember how we met, I became more distant to him. I feel annoyed everytime I see him. Kahit noong mga bata pa lang kami ayaw ko na talaga sa kanya kaya nakapagtataka na naging asawa ko siya. I know it's still early to conclude but I can't help it. I know there is something wrong here. There is something wrong with this set up.
Isang katok ang mula sa pintuan ang nagpalingon sa akin. Bumukas ito at tumambad si Priam.
"Dinner's ready."
Tinalikuran ko siya at nagpanggap na inaayos ang kama kahit wala namang dapat ayusin.
"Mauna ka na. Susunod ako," sagot ko.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto.
"Bakit? May gagawin ka pa?"
"Just go, Priam."
"Let's go together then."
Iritado ko siyang binalingan.
"Mauna ka na nga, Priam. Mahirap bang intindihin 'yon?!"
Bahagya naman siyang nagulat sa reaksyon ko at matagal bago nagsalita. Umupo ako sa dresser at nagsuklay ng buhok.
"Did something happen? You're acting strange lately."
Lalong kumunot ang noo ko. He's very observant as always. But I can't tell him yet.
"Wala. I'm just tired and bored."
"What should I do then?"
Natigil ako sa pagsusuklay at nagkatinginan kami sa salamin. Nanatiling kunot ang noo ko samantalang malamyos naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"You want me to help you remember the guy you've been dreaming?" seryoso siya ng sinabi 'yon.
Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsusuklay.
"Forget it. It doesn't matter to me anymore," malamig na tugon ko.
He sighed and looked down.
"Then tell me what should I-"
Padabog kong ibinaba ang suklay at matalim siyang tinignan.
"I said forget it, Priam! Having no memories is very depressing. Huwag mo nang dagdagan!" Padabog din akong tumayo at iniwan siya ro'n.
Tahimik akong kumain sa hapag habang nagkukwentuhan ang pamilya. Wala ring imik ang katabi ko pero panay ang sulyap niya sa akin.
"Zosia hija, kumusta nga pala ang pag uwi mo sa Cebu?" tanong bigla ni Tita.
"Mabuti naman po," tipid kong sagot.
Marahan naman siyang tumango at ngumiti.
"Do you have any plans this week? May mga lugar ka bang gustong puntahan? You and Priam can always go to a vacation if you want."
Nag angat uli ako ng tingin sa kanya.
"It's fine, Mom. I guess I just need something that I might get busy of. Maybe I could get myself a job? Naboboring na din po kasi ako dito sa mansyon." Nagpatuloy ako sa pag kain.
Natahimik ang hapag nang sabihin ko 'yon. Natigil din ako sa paghiwa ng karne at isa isa silang sinulyapan.
"Why? Did I say anything wrong?" takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
One Single Memory
RomanceFamily, friends, schoolmates, colleagues. What if one day you'll wake up and none of these you remember? And what if one day you'll wake up and suddenly you had a ring on your finger? Zosia Lithuise Samaniego was once a very stubborn, childish and a...