Kabanata 24

93 9 0
                                    

Dumating ang exams bago ang nalalapit na sports fest. Kung 'yong bulakbol na Zosia ang nasa katawan ko ay baka nilalamig na ako sa kaba pero ngayon ay sobra sobra ang confidence kong makakapasa.

Nakangisi kong tinanggap ang test paper ko mula sa harap. Ipinasa ko 'yong iba kay Billie na nasa likod ko at nakasimangot.

"Lawak ng ngisi ah?" Umismid siya sa akin habang pinapasa ang papel. "Beke nemen."

I only smiled at her. Kinuha ko na ang ballpen sa bag at nagsimulang basahin ang papel. Habang nagsasagot ako ay hayan na naman ang buhok kong humaharang at nalalaglag. Then I remember the pearl hair clip Priam gave to me. Kinuha ko agad ang bag ko at hinanap 'yon. Iniipit ko 'yon sa buhok ko at nakangising sumagot.

Panay ang tadyak ni Billie sa upuan ko habang nagsasagot kami. Alam ko na ang ibig niyang sabihin pero sa ngayon magdadamot muna ako. Aba! Ang hirap kaya mag aral. Hindi inaasahan ng guro namin na ako ang unang magpapasa ng papel. Dati kasi last minute ako nagpapasa at minsan puro blangko pa. Kaya naman nakanganga siya at ang iba pa nang ngingisi ngisi akong lumabas ng classroom. Mabuti na lang at nag aral ako. Thanks to that moron. Alam na alam niya ang mga lalabas sa exams.

In speaking of, papunta ako ngayon sa building ng mga grade 12 para silipin kung tapos na din ba siya. Knowing him, malamang kanina pa. Sinilip ko ang classroom nina Priam at nakita ko nga siyang nagliligpit na ng mga gamit. Wala sa sariling napangisi ako. Tumayo na siya at ipinasa ang papel sa harap bago tuluyang lumabas ng classroom. Napahinto siya at nagkatinginan kami. Kumunot agad ang noo niya.

"What are you doing here? You're supposedly taking your exams. Nagcutting ka na naman?" aniya habang inaayos ang shoulder bag sa balikat.

"Hindi ah! Tapos na kaya ako," taas noong sabi ko habang nakahawak din sa strap ng back pack ko.

Unti unting nawala ang pagkakunot ng noo niya at nakita kong dumapo ang mga mata niya sa buhok ko. Ngumuso siya nang bahagya at sumeryoso dahil sa munting ngiting lumalabas.

"So? How was it? Did it go well?"

"Of course. Easy," pagmamayabang ko.

"Yabang," he uttered softly with a smirk on his face.

"Naman. Ikaw? Sure kang nakasagot ka? Baka naman labas sa ilong 'yang mga sagot mo ah?"

He chuckled and shook his head. He licked his lips and pouted, trying to hide his smile again. Ngayon ko lang napansin na mas gumagwapo pala siya 'pag nakangiti dahil bahagyang nawawala ang singkit na mga mata niya. Medyo guwapo lang naman.

"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan sa'yo?" Nagtaas sya ng kilay sa akin.

I smiled sarcastically.

"Sorry but I did well."

His small smirk remained. He's looking at me with so much amusement.

"Wala man lang bang thank you?" mapaglarong sabi niya.

"E 'di thank you. Happy?" Nagthumbs up ako sa kanya.

He chuckled and resumed walking. Ginulo gulo niya ang buhok ko at saka nilagpasan.

"Priam!" I called.

Bumaling ang ulo niya sa akin.

"Gusto mo mag milktea?"

Napangisi agad siya sa akin.

"You're not trying to hit on me, are you?"

Namilog ang mga mata ko sa linyahan kong ginaya niya.

"Asa," I said, copying his line to me as well.

We both chuckled.

Pagkatapos ng exams ay dumating na ang pinakahihintay na sports festival. Kasalukuyan kaming nanonood ng laban ng basketball team ng school at ng kabilang school. Panay ang hiyawan namin dahil lamang ang aming kuponan. Grade 12 VS Grade 12 ang labanan. Kapag nakakapuntos ang kabilang team ay panay ang "boo" nila sa amin at kapag team naman namin ang nakakapuntos ay mas malakas na "boo" ang ibinibigay namin dahil nasa teritoryo namin sila at mas marami kami. Hah!

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon