Kabanata 15

85 9 0
                                    

Hurt and offended by his words, I locked myself in the room. I'm aware of my condition but hearing it exactly from him is a big slap for me. Mas lalo niyang ipinamukha sa akin ang katotohanang wala akong alam sa mga nangyayari. Alam kong iyon nga ang katotohanan pero hindi ko maiwasang magalit. Para namang ginusto ko ang nangyari sa akin.

"Zosia, please... I'm really sorry. I didn't mean to say that," masuyong boses ni Priam sa labas ng kwarto namin.

Kanina niya pa ako kinakatok pero hindi ko siya pinagbubuksan at hindi rin ako umiimik.

"Zosia..." mahinang sambit niya kasabay ng marahang pagkatok.

Umirap ako sa kawalan at umahon sa kama.

"Leave me alone, Priam," malamig na sabi ko bago dumiretso sa banyo.

Padabog kong sinarado ang pintuan at naghubad ng damit. At least a bubble bath would make me relax a bit.

I spent almost an hour in the bathroom thinking about our heated argument. I sipped on the red wine I poured earlier. Iniisip ko si Dale. Si Priam ang nagfile ng kaso sa kanya at matagal na pala siyang hinahanap nito. Then I remembered how Priam's face turned red and shock after I told him that. Para bang isang malaking pagkakamali ang ginawa ko. For him, it's like I'm hiding a criminal. Kung kriminal nga ba siya. Naguguluhan na tuloy ako kung paano ko ito haharapin. Priam thinks he's a criminal but the other side denies. Hindi ko na alam kung ano'ng paniniwalaan ko.

Umahon na ako sa bath tub makalipas ang ilang sandali at lumabas. I was tying the ribbon of my bathrobe when someone knocked again. Napalingon ako sa pintuan at bumuntong hininga.

"Priam, I said leave me alone! Hindi ka ba nakakaintindi?!" iritadong saad ko.

"Zosia si Cassie 'to. Can I come in?"

I shifted on my weight and calmed a bit.

"Come in."

Bumukas ang pintuan at nagtama ang paningin namin ni Cassie. Tinignan niya ako nang may paninimbang samantalang nakakunot pa rin ang noo ko.

"What is it? Do you need something?" agad na tanong ko.

Hindi siya nagsalita agad at mukhang alam na nya na hindi maganda ang mood ko ngayon.

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa dresser ko para makapagpatuyo ng buhok.

"Hindi ka pa daw kumakain simula kaninang tanghali," dinig kong sabi niya sa likuran ko.

Maingay na tumunog ang hair dryer ko kaya hindi na rin ako sumagot. Nahagip ko ang pagbuntong hininga niya sa salamin bago unti unting umupo sa kama.

"Nagkasagutan daw kayo ni Kuya Priam. Hindi naman niya sinabi kung ano'ng dahilan. Ano bang pinag awayan ninyo?"

Nagkatinginan kami sa salamin bago ako nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.

"He must be ashamed of himself kaya niya hindi sinabi sa'yo," matabang kong sagot.

"Bakit ba kasi? Ano bang nangyari?"

"Just ask him if you want. Naiirita ako sa kanya."

Bumuntong hininga siya at nadismaya sa sagot ko.

"Para kayong mga highschoolers na may LQ. Why don't you two talk about it? Hindi 'yung para kayong mga batang hindi nagpapansinan," pangaral niya.

"I can live without talking to him, Cassie. Sabihin mo 'yan sa kanya." Pinatay ko ang hair dryer at sinulyapan siya.

Nag poker face lang siya sa akin at dismayadong umiling.

Hindi nga kami nagpansinan ni Priam sa mga araw na lumipas. Or sabibin na nating ako ang hindi pumapansin sa kanya. He always wanted to talk to me but I avoided him. Kung hindi ko siya binabara, iniirapan ko siya. Hindi ko pa rin matanggap na sinabi niya sa akin 'yon. Siya pa na asawa ko. Tsk.

One Single MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon