/77/ Digmaan sa Lambak ni Batari

11.3K 1K 498
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 77:
Digmaan
sa
Lambak
ni
Batari


"NALULUGOD akong muli kang makita, ano nga ulit ang iyong pangalan?" nakangising tanong ni Khalil kay Rahinel nang magkalapit silang dalawa.

Sa pagtutulungan ay matagumpay nilang nailaglag sa bakunawa si Khalil at ngayon ay sinadya ni Rahinel na tumalon sa lupa upang komprontahin ito.

Imbis na sumagot si Rahinel ay hinugot niya ang kanyang sandata at kaagad iyong nagliyab.

"Wala akong panahon para makipag-usap sa katulad mo," sabi niya.

"That's a shame, I'm just going to ask kung kamusta ang mahigit tatlong daang taon na paghahanap sa nawawalang huling binukot. We have a lot in common, you know."

"Mas pipiliin ko na lang mamatay kaysa maihantulad sa isang katulad mo."

"Kung gano'n ay katapusan mo na!" sa isang iglap ay lumusob si Khalil. Kaagad niyang pinansalag ang kanyang hawak na espada at nagpalitan silang dalawa ng pwersa.

Sa gitna ng labanan ay nanatiling taimtim ang atensyon ni Rahinel sa kanyang kaharap. Tandang-tanda pa niya ang patalim na itinarak nito sa kanya noon, ang mukha nito ang huli niyang nakita bago siya mamatay at muling mabuhay para maging imortal.

Hindi maiwasang sumagi sa isip ni Rahinel ang ibang posibilidad, na paano kung noong panahon nila'y hindi nabuhay si Datu Bagobo, hindi ito makakapaghasik ng lagim, hindi nito papatayin ang mga binukot para kay Sitan. Naisip niya na siguro maaaring matagal na silang magkasamang namuhay ni Rajani—ni Arki.

Pero ang lahat ng 'yon ay imposible nang mangyari sapagkat heto't matapos ang daan-daang taon ay muli silang nagkaharap ng nilalang na naging ugat ng lahat, ang dahilan din kung bakit siya binigyan ng mga diyos ng ikalawang imortal na buhay upang hanapin si Arki sa kasalukuyang taon.

Naging matagal ang pagdurusa niya pero naging sulat lahat ng paghihintay niya na mahanap si Arki. At isa pa sa mga pagnanais ni Rahinel ay paslangin ang taong pumaslang sa kanya noon, upang maipaghiganti rin ang bawat tribong winasak nito noon.

Naramdaman ni Rahinel na pinaglalaruan lamang siya ni Khalil kung kaya't nauna siyang umatras.

"Bakit ka tumigil?" nanghihimok nitong tanong sa kanya subalit hindi siya kaagad kumilos dahil alam niyang may nakahandang patibong dito.

Nang mainip si Khalil ay hindi na nito hinintay ang pagkilos niya at kaagad na kinumpas nito ang kamay at lumabas doon ang itim na mahikang pinagkaloob ni Sitan. Tila parang ahas na lumingkis sa kanya ang itim na mahika at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Too bad that I'll kill you again for the second time," sabi nito at handang lumusob upang saksakin ang kanyang puso.

"Hoyyyy!" parehas silang nagambala sa papalapit na sigaw. Bago pa nila ito matingnan ay sunod-sunod na tumama ang kidlat kay Khalil.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon