/7/ Ang Paglitaw

34.4K 2K 714
                                    


  Kabanata 7:Ang Paglitaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Kabanata 7:
Ang Paglitaw


"NGAYONG araw na 'to ay tuturuan ko kayong magsulat at magbasa ng ating sinaunang alpabeto."

May sinulat si Ma'am Anita sa blackboard. Hindi maiwasang maghikab ni Arki dahil napuyat sa pakikipagdaldalan kila Shawie, Mawie, kasama rin ang kanyang Ate Shiela. Unang subject pa naman nila kay Miss Anita.

"Alam niyo ba kung anong tawag dito?" tanong ng guro sa kanila at kaagad na sumagot ang mga kaklase niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam niyo ba kung anong tawag dito?" tanong ng guro sa kanila at kaagad na sumagot ang mga kaklase niya.

"Alibata po!"

"Mali ka riyan," sabi ni Miss Anita. "Ang tawag sa sinaunang alpabetong 'to ay Baybayin."

'Baybayin? Akala ko 'Alibata' ang tawag do'n, kasi noong elementary 'yon 'yung sabi ng titser namin. Ah, ewan. Minsan 'di rin legit ang tinuturong kasaysayan,' sa isip-isip ni Arki habang pumipikit-pikit ang kanyang mga mata. 

"Madalas mapagkamalan na ang tawag rito ay Alibata, subalit ang kaibahan nila, ayon sa UP Diksiyunaryo Filipino, ang Alibata ay alpabetong Arabiko tulad ng pagkakakilala sa Silangan, mula sa alpabetong Arabiko na alif at bata. Samantala ang Baybayin naman ay kabuuan ng lahat ng titik ng isang wika, baybay, ang tawag sa sinaunang alpabeto ng mga Filipino."

Tumingin siya sa katabi, at nakita si Yumi na taimtim na nakikinig. Gusto niya sanang kausapin ito subalit nag-alangan siya sa takot na mahuli ng guro.

Napatingin naman siya kay Leo na nasa harapan, hindi rin ito nakikinig, at abalang-abala sa pagguhit ng anime.

Muling naghikab si Arki nang tumalikod ang guro, namamahiya kasi ito minsan sa mga tulad niyang inaantok.

"Kung hindi tayo nasakop ng mga Kastila ay malaki ang posibilidad na ngayong kasalukuyan ay gumagamit tayo ng Baybayin. Subalit sa kasamaang palad, siglo na ang lumipas nang mamatay ang alpabetong ito," sabi ni Miss Anita nang muling humarap sa kanila.

Nagtungo ang guro sa may mesa sa harapan at sumandaal doon, saka nagpatuloy ng pagkukwento.

"Karamihan sa atin ay nasanay na kapag sinabing kasaysayan ng Pilipinas ay kaagad na unang pumapasok ang panahon ng mga Kastila. Kakaunting pag-aaral at importansya ang binibigay ng maraming paaralan sa kasaysayan ng pre-colonial era. Iilan lamang ang may oportunidad na mapag-aralang itong maigi. Ang totoo'y napakulay na ng ating sibilisasyon at kultura bago pa dumating ang mga mananakop."

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon