/74/ Sa Isang Kidlat ng Balarao

11.1K 1K 319
                                    

ANG NAKARAAN:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG NAKARAAN:

Sawakas ay nagbalik na rin ang mga alaala nila Leo, Roni, Jazis, at Karl, salamat kay Yumi na ibinahagi ang mahikang gamot ni Master Yogi sa kanyang katawan.

Matagumpay na nahanap ni Jaakko sina Rahinel at Vivienne matapos makita si Shiela at Raneah na dalhin kung saan sila hahatulan. Nag-anyong daga ang tatlo at dali-daling nagtungo sa kinaroroonan ni Arki.



Kabanata 74:
Sa
Isang
Kidlat
ng Balarao


HABUL-HABOL ang hininga nang tumigil sila sa pagtakbo sa gilid ng isang madilim na pasilyo. Malayo rin ang tinahak nila sapagkat maliliit ang kanilang mga hakbang, at mabuti na lamang ay walang nakasuspetya sa kanila sa anyong daga.

"Nasa silid na 'yon si Arki, hindi ba?" nagsalita si Vivienne na nakatingin sa dulo ng pasilyo, bumaling ito sa mga kasama. "I got an idea, Jaakko will go with me, Rah, ikaw na ang bahala kay Arki."

"Wait,wait. Why should I go with you?" maang na tanong ni Jaakko.

"You'll me save our companions, Arki's sister and her friend," sagot ni Vivienne. "They'll be executed any minute now, we need stop it."

Sasagot pa sana si Jaakko nang mabilis na nagsalita si Rahinel. "Jaakko, maraming salamat sa tulong mo, sumama ka kay Vivienne dahil malaking tulong ang mahika mo."

"Yeah, right," sabi na lang ni Jaakko.

"Teka lang!" pigil ni Rahinel sa dalawa. "Ibalik mo muna ako sa normal kong anyo."

Sa isang iglap ay kaagad na bumalik sa normal na anyo si Rahinel gamit ang mahika ni Jaakko. Medyo nahilo pa siya at napahawak sa pader. Yumuko si Rahinel at nakita ang dalawang daga.

"Sige na, iligtas n'yo na sila Shiela. Ako nang bahala kay Arki," sabi niya habang sapo-sapo ang noo. Kaagad na umalis ang dalawa habang siya'y pilit na binabalanse ang sarili. 'Hindi na 'ko uulit na maging daga.'

Nang manumbalik ang buong lakas ay tumakbo siya sa dulo ng pasilyo subalit saktong may dumating na isang kawal ng kampo. Kinuha kay Rahinel ang kanyang sandata kung kaya't bago pa mabunot ng kawal ang espada nito'y mabilis niyang pinadapo ang kanyang kamao sa mukha nito.

Hindi rin mawari ni Rahinel kung saansiya humugot ng lakas nang sunod-sunod siyang umatake sa kawal. Huminto lamang siya nang mamalayan na dumudugo ang kanyang kamao at hindi na gumagalaw ang kalaban. Natauhan siya bigla kung kaya't tiningnan niya ito. Buhay pa naman ang kawal subalit malala ang tinamo nito sa mukha, humingi na lang siya nang paumanhin at kinuha ang espada nito.

Nang makalapit siya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim. Pinilit niyang pakalmahin ang puso niya sapagkat naalala niya ang huling tagpo nila ni Arki sa balwarte ni Magwayen.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon