IKALAWANG YUGTO: Ibayo, Ang Kabilang Mundo

24.7K 1.7K 298
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


IKALAWANG YUGTO:
Ibayo,
Ang Kabilang Mundo


NOONG unang panahon... may isang mapayapang mundo kung saan naninirahan ang mga nilikha ni Bathala.

Nakita ni Bathala na kailangan ng kanyang mga anak ng gagabay dito kung kaya't pinababa niya sa lupa ang iba pang mga diyos at diyosa na tutulong sa kaunlaran ng sibilisasyon ng mga mortal. Dumating ang mga diyos ng dagat, lupa, hangin, at marami pang iba. 

Mapayapa at masagana ang kaharian ni Bathala, punum puno ng mistikal at mahika ang lahat subalit isang araw ay nakita niya ang hinaharap. Nakita ni Bathala ang isang trahedya kung saan darating ang mga mananakop na dayuhan mula sa mga Kanluran at unti-unting mawawasak ang kanyang kaharian.

Kaya naman nag-desisyon si Bathala na lumikha ng kabilang mundo kung saan maaaring mamuhay ang mga mortal, diyos, elemento, at iba pa. Sa kasamaang palad, may mga mortal ginustong manatali sa mundong ibabaw sapagkat hindi na nila nais makapiling ang mga diyos at mga iba pang elemento sapagkat para sa kanila ay mapang-abuso ang mga mahika nito.

Mas pinili ng mga mortal na nagpaiwan sa mundong ibabaw ang mamuhay ng normal at piniling tanggapin ang propesiya na pagdating ng mga mananakop.

Hindi pinilit ni Bathala ang mga mortal na magpaiwan sa mundong ibabaw at sinara niya ang lagusan. Simula noon ay wala ng mga mahika, mistikal, mga diyos at diyosa ang naglakad sa mundong ibabaw. Ang mga mortal na naiwan ay payapa pa ring namuhay ng simple hanggang sa dumating ang mga dayuhan hanggang sa unti-unting pinatay ang kanilang sariling kultura.

Samantala, sa loob ng kabilang mundo—ang tinatawag na Ibayo, ay patuloy na namumuhay ang lahat ng magkakasama at maayos. Naririnig ng mga diyos at diyosa ang mga panalangin ng mga mortal sa mundong ibabaw at paminsan-minsan ay tinutulungan nila ang mga 'to.

Lumipas ang napakaraming siglo, walang naitala sa kasaysayan tungkol sa Ibayo, tanging mga piling nilalang lamang ang nakakapasok at labas dito. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi sinasadyang mabuksan ang mga lagusan papuntang mundong ibabaw dahil sa paggising ng Mutya.


*****


Kampo Dos
Kasalukuyang panahon


"SILA ba na ang mga Maharlika na Tagalog gikan sa Luzon?"

"Oo sila gyud."

"Hantud kanus-a ipriso diri?"

Sasagot pa lang sana ang nagbabantay nang dumating ang isang Maharlika na nakasuot ng dilaw na balabal, ang nagdala sa kanila sa lugar na 'to, si Kapitan Dino ng Kampo Dos.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon