/32/ Sa Gabay ng mga Tala

29.4K 1.7K 936
                                    

Kabanata 32: Sa Gabay ng mga Tala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 32:
Sa Gabay ng mga Tala


NOONG nakaraang araw...

"Pinapabalik na kami sa Kampo Uno, Shiela," sabi ni Raneah habang hawak ang orasa, tumigil ang pagpatak ng bawat butil ng buhangin sa loob nito. 

"Pero may natitira pang oras bago bumalik sa normal ang lahat," sabi ni Shiela. Nakita niya na napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Raneah.

"Nakatanggap ako bigla ng pagtawag mula Kampo Uno, pinapabalik ako kaagad ng Hepe. Pagpupulungan pa marahil kung paano ang gagawin sa mundo ng mortal matapos ang insidente," hinawakan siya ni Raneah sa balikat. "Anong balak mo, Shiela?"

"Hahanapin ko si Arki, malakas ang kutob ko na susundan niya si Yumi sa kabilang mundo," sagot niya.

"Alam kong hindi pababayaan ni Bathala si Arki. Mag-iingat ka palagi, Shiela." niyakap nila ang isa't isa. Nang magbitaw ay muling sinuot ni Raneah ang salakot, naghihintay sa labas ng bahay nila Shiela ang mga alagad nito. "Sa pagkikita nating muli, Shiela."

Naiwan si Shiela, lumabas mula sa kusina sina Shawie at Mawi. Naglaho si Raneah at ang kanyang grupo subalit hindi pa rin bumabalik ang pagtakbo ng oras. Pagkaupo ni Shiela ay napabuntong-hininga siya. 

"After so many years, ngayon na lang tayo ulit na-stress ng ganitong kabongga," sabi ni Mawi na may hawak na pitsel at baso. "Inom ka muna, bes." inabutan siya nito ng isang basong tubig.

"True, muntik nang ma-stress ang kulot ko sa pakikipaglaban sa mga aswangers," sabi ni Shawie na may bakas nang matinding pag-aalala. 

Maya-maya'y biglang pumasok sa loob ng bahay si Karl, animo'y pusa dahil hindi nila naramdaman ang presensya nito.

"Si Arki ang prinsesa?!" biglang sigaw ni Karl at sa gulat ni Shawie at Mawi ay nabuga nila sa isa't isa ang tubig. 

"Ahh!!! May pogi!" tarantang sigaw ng daalawa. Si Shiela naman ay napatayo at bwelo sa sobrang gulat.

"P-Paano ka nakakagalaw?!" sigaw pabalik ni Shiela at natigilan sina Mawie at Shawie. Nagsukatan sila ng tingin ni Karl, na hindi rin alam kung anong tintukoy niya.

"Huh? Anong—"

"Narinig mo ang pinag-usapan namin ni Raneah kanina?!" halos dumagundong ang sigaw ni Shiela sa buong bahay nang sabihin 'yon. Sa isang iglap ay nasa kamay na ni Shiela ang kanyang armas at tinutok niya 'yon kay Karl. "Sabihin mo ang totoo, anong pakay mo?!"

Dahil dala na rin ng pagod, tinaas na lang ni Karl ang kanyang dalawang kamay bilang pagsuko, ayaw na nitong makipaglaban pa at gusto na lamang nito ng katotohanan.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon