Raised on her grandmother's mythic tales, brave teenager Arki is stunned when those very monsters come to life and kidnap her best friend Yumi. To rescue Yumi, Arki and her friends venture into the mystical world of Ibayo. Alongside her is Rahinel...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kabanata 26: Ang Mangkukulam
SA kabila ng pagiging bibo at masayahing bata ay sa 'di malaman na dahilan, walang gustong kumaibigan kay Jacintha o mas kilala bilang Jazis, noong siya'y musmos pa lamang. Kalat kasi sa kanilang buong barangay ang tsismis na ang kanilang pamilya'y may lahing mangkukulam.
Hindi naging hadlang ang pangungutya sa kanyang pamilya upang lumaki siyang masayahin. Kaya naman nang tumuntong si Jazis sa sekondarya'y sinikap niyang kumaibigan sa marami subalit ilag sa kanya ang mga kaklase.
"Hay, Voomi, bakit kaya gano'n? Ang pretty ko naman pero ayaw nilang makipag-friends sa'kin?" kung kaya't madalas niyang kausapin ang isang manikang basahan na may labindalawang pulgadang haba, bigay ito sa kanya ng kanyang Lola.
Sa tuwing nalulumbay siya'y palihim niyang kinakausap ang kaibigang si Voomi sa loob ng banyo, isa sa pinaka-iingatan niyang lihim ay may tinataglay itong itim na kapangyarihan.
"Jacintha, apo ko, ipangako mo sa'kin na hindi mo ito gagamitin sa kasamaan."
"Pero, Lola, para saan 'to?"
"Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko noon, subalit hindi pa huli ang lahat para magbago. Ang itim na kapangyarihan ay maaari pa ring gamitin para sa kabutihan."
Hindi man niya lubos na nauunawaan kung ano ang kahulugan ng kanyang Lola ay sinapuso niya ang mga salitang 'yon.
"Hoy, babae!"
"Ah! Aray!"
Minsan siyang nakarinig ng away sa loob ng banyo, pinakinggan niya ang mga boses at alam niyang mga kaklase niya 'yon. Tumuntong siya sa inidoro at dahan-dahang sumilip, tama nga ang hinala niya, ang isa niyang kaklase na madalas ma-bully ng mga kaklase niyang maaarte ay napapalibutan.
"Kapag 'di ka tumigil sa pagdikit sa crush ko, makakatikim ka lalo sa'kin!"
"Tama na! Wala akong ginagawang masama!"
"Aba, sumasagot ka pa!"
Napangiwi si Jazis dahil alam niyang masakit at malutong ang sampal na 'yon. Maya-maya'y nakarinig siya ng yabag palabas at naiwan ang kawawa niyang kaklase na umiiyak. Ilang sandali pa'y lumabas si Jazis ng kubeta at wala ng tao.
Pinulot niya sa sahig ang mahabang hibla ng buhok, may kulay 'yon at tiyak niyang pagmamay-ari 'yon ng maldita niyang kamag-aral.
"Ang itim na kapangyarihan ay maaari pa ring gamitin para sa kabutihan."